PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Internet action star Ramon Bautista reveals dating style

Love and dating expert Ramon Bautista avoids talking about his romantic interest, short of saying he's too wacky for love.
by Rachelle Siazon
Published Apr 18, 2014
Ramon Bautista wants his woman to be pretty, "Kung sa pangit pa ako mauuwi, kawawa naman yung mga anak namin," and brainy, "Kung magkakaanak kami, ayoko na magkakaproblema kami sa Math at Science ‘pag high school na siya." And she must also know how to speak English.

Bukod sa pagiging self-proclaimed Internet Action Star, kilala rin si Ramon Bautista bilang love and dating expert.

Maraming kabataang Pinoy ang sumusubaybay sa mga kuwela ngunit may kuwentang love advice at punchlines na ibinabahagi niya sa kanyang Twitter account (@ramonbautista).

Siya rin ang author ng self-help book na Bakit Hindi Ka Crush Ng Crush Mo, na isinapelikula ng Star Cinema at pinabigdahan nina Kim Chiu at Xian Lim noong 2013.

Higit sa lahat, pinasikat niya ang “Tales From The Friends Zone,” isang series ng viral videos na base sa karanasan ng mga lalaking kaibigan lang ang turing ng mga babaeng nililigawan o palihim na hinahangaan nila.

Ngunit kapansin-pansin na pagdating sa sarili niyang love life ay nananatiling mailap si Ramon.

Kailan naman kaya niya ibabahagi sa publiko ang tungkol sa espesyal na babae sa kanyang buhay?

Paiwas na sagot ni Ramon, “Naku, kasi yung mga love advice ko, reflection din ng mga pinagpapakiramdaman ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, lahat yung mga 'Tales of The Friends Zone,' lagi kong kasama si RA Rivera [isang direktor].

“Hindi naman kami [magkarelasyon].

"Pero lagi lang naming nararamdaman yun.

“Sini-share lang namin ang aming mga kabiguan sa pag-ibig sa mga pinaggagawa namin.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ramon matapos ng kanyang guest appearance para sa PEP Talk noong April 7.

Simple lang daw ang dating style ni Ramon.

Kung mayroon daw siyang gustong babae, didiretsahin niya ito at sasabihin ang mga katagang: “Kursanada kita.”

Ngunit hindi niya masyadong pinagtutuunan ng pansin ngayon ang kanyang love life dahil abala siya sa trabaho.

Kabilang dito ang bago niyang programa sa NatGeo channel, ang Science of Stupid.

“Busy lang ngayon kaya ‘di masyado natututukan ang pakikipag-date.

“'Tsaka dahil wacky ang mukha ko, ‘di ako mukhang seryoso,” saad ni Ramon, na mapa-on cam o off cam ay sadyang makulit ang mga hirit.

Ano ba ang mga qualities na hinahanap niya sa isang potential girlfriend?

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sagot ni Ramon, “Maganda siyempre, unang-una ‘yan. Malambing, sexy.”

Agad namang ipinaliwanag nito kung bakit panay physical traits ang hanap niya sa isang babae.

“O, siyempre, honest-an nga tayo ‘di ba?

"Sabi walang chismis dito [sa PEP].

“Kasi isipin mo sa evolution, kung sa pangit pa ako mauuwi, kawawa naman yung mga anak namin.

"Pagdating ng high school, malalait yun!” pabirong saad ni Ramon.

Dugtong pa niya, “Pero, sige, sana matalino.

“Kasi kung magkakaanak kami, ayoko na magkakaproblema kami sa Math at Science ‘pag high school na siya.

“Sana magaling mag-English. Gano’n.”


FANBASE. Ano naman ang masasabi niya ngayong mas lumaki ang kanyang fanbase at panay ang pa-picture sa kanya ng mga tao kapag nakikita siya sa public places?

Nakangiting hirit ni Ramon, “’Pag pogi ka siyempre gano’n talaga.

"Inaabuso nila ang katawan mo!”

Matatandaang minsan na ring na-link si Ramon sa Korean actress at radio jock na si Jinri Park, ngunit mariing pinabulaanan ito ng una.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

READ: Ramon Bautista clarifies rumored relationship with Jinri Park

Nang tanungin ng PEP kung may nililigawan siyang celebrity ngayon, ito ang tanging pahayag ng kinikilalang “Internet Action Star”:

“Celebrity? Naku! Baka hindi mo mapakain sa value meal ‘yan!

“Ang sinasabi ko lang, nakakahiya namang pakainin siya sa value meal [ng mga fast food].”

Isa ring university professor si Ramon. Kapag nasa classroom ay palabiro pa rin kaya siya?

WATCH PEPtalk Flash. Ramon Bautista on how he became an "Internet Action Star"

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ramon Bautista wants his woman to be pretty, "Kung sa pangit pa ako mauuwi, kawawa naman yung mga anak namin," and brainy, "Kung magkakaanak kami, ayoko na magkakaproblema kami sa Math at Science ‘pag high school na siya." And she must also know how to speak English.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results