Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Junior, Fil-Spanish crooner behind classic OPM hit "Yakap," passes away at 70

by Ruel J. Mendoza
Apr 20, 2014
Junior, the mild-mannered Fil-Spanish balladeer, endeared himself to Filipino music lovers through his songs,"Yakap" and "But If You Leave Me," which are still played on the radio.

Sumakabilang-buhay nuong April 15 ang original singer ng OPM classic hit na “Yakap” na si Antonio Morales Barretto na mas kilala sa local showbiz bilang Junior.

Sikat si Junior nuong late ‘70s hanggang early ‘80s. Pumanaw siya sa edad na 70 anyos.

Natagpuan ang bangkay ni Junior ng kanyang hardinero sa loob ng kuwarto sa kanyang tahanan sa Torrelodones, Spain.

Pamangkin ni Junior ang mga Barretto sisters na sina Gretchen, Marjorie at Claudine Barretto.

Naging heartthrob din si Junior noong kasagsagan ng kanyang showbiz career at gumawa ito ng ilang pelikula sa Pilipinas.

Naging leading man siya ni Vilma Santos sa mga pelikulang Good Morning Sunshine (1980) at Rock, Baby, Rock (1979).

Nakapareha rin niya si Lorna Toletino sa pelikulang Disco Madhouse (1980).

Nakasama rin siya sa pelikula ni Nora Aunor na Bongga Ka ‘Day (1980).

Naging signature song nga ni Junior ang awiting “Yakap” na siya mismo ang nagsulat at nag-produce para sa kanyang album na ni-release dito sa Pilipinas nuong dekada ‘80.

Continue reading below ↓

Na-revive ng ilang beses ang “Yakap” nina L.A. Lopez, Ogie Alcasid at Charice.

Isa pang sikat na single ni Junior ay ang English song na “But If You Leave Me” na pinapatugtog pa rin sa radyo hanggang ngayon.

THE EARLY YEARS. Pinanganak si Junior noong September 10, 1943 sa Manila. Nag-migrate sa Barcelona, Spain ang buong pamilya niya noong siya ay 15 anyos.

Sa Spain ay naging kabahagi ng isang kilalang musical group na Jump si Junior noong 1958. May ginawa ring pelikula ang grupo nila noong 1969, ang Me Enveneno De Azules.

Matapos nito ay sumali rin siya sa isa pang grupo, ang Los Brincos, kasama sina Juan Pardo at ang dalawang kapatid niyang sina Miguel at Ricky Morales.

Hindi nagtagal ay bumuo ng sariling grupo sina Juan and Junior. Naging hit ang Spanish version nila ng Beatles song na “Fool On The Hill.”

Nakasama ang single na ito sa self-titled album ni Junior na lumabas noong 1976.

Continue reading below ↓

Noong 1970, ikinasal si Junior kay Rocio Durcal na isang sikat na singer-actress sa Spain. Siya ang nag-manage ng career nito kaya iniwan niya pansamantala ang kanyang singing career.

Nagkaroon sila ng tatlong anak. Ang isa nga rito ay si Shaila Durcal na naging sikat na singer din sa Spain. Si Carmen Morales naman ay isang aktres.

MANILA STINT. During the mid- and late ‘70s, sumikat ulit ang pangalan ni Junior at naimbitahan siyang bisitahin ang Pilipinas kunsaan siya pinanganak.

Ang pag-record lang sana ng isang Tagalog album ang dahilan ng pagbisita ni Junior sa bansa, pero nauwi ito sa paggawa ng apat na pelikula at tatlong album.

Pagkatapos ng kanyang mga commitments sa Pilipinas, bumalik siya sa Spain para asikasuhin ulit ang career ng kanyang misis.

Nuong 2006, sumakabilang-buhay ang kanyang asawa dahil sa uterine cancer sa edad na 61 anyos.

Mula 1964 hanggang 2001, si Junior ay nakapag-record, areglo at prodyus ng 19 albums.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Junior, Yakap
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Junior, the mild-mannered Fil-Spanish balladeer, endeared himself to Filipino music lovers through his songs,"Yakap" and "But If You Leave Me," which are still played on the radio.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results