PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bangs Garcia dismisses rumor linking her to Enrique Gil: “Bata... ayoko ng sakit ng ulo.”

Bangs Garcia says she is enjoying being single for one year now.
by Rose Garcia
Published Apr 29, 2014
Itinanggi ni Bangs Garcia na may relasyon sila ng lalaking namataan na kasama niya sa isang mall. Saad ng Kapamilya actress, “Hindi, a, friend ko lang yun. Bakit, bawal bang lumabas ang dalawang magkaibigan? At hindi kami magka-holding hands. Wala kaming holding hands. Promise, wala. Never akong nakipag-holding hands sa lalaki sa labas. Kahit sa boyfriend, hindi ako PDA [public display of affection].”

Isang taon na raw walang karelasyon ang Kapamilya sexy actress na si Bangs Garcia.

Ayaw na muna raw niyang mag-boyfriend.

Paliwanag ni Bangs, “Nag-e-enjoy ako ngayon.

“Kasi, parang sa mga tao, they haven’t seen me this blooming daw.

“Compared before kasi, I was so stressed doon sa first relationship ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bangs sa presscon ng pelikulang So It’s You noong Sabado, April 26, sa Imperial Palace Suites.



SPOTTED. Pero natawa si Bangs nang sabihin naming nakita namin siya sa Robinsons Magnolia na may kasamang lalaki noong isang linggo.

“Friend ko lang naman yun,” sabi niya.

Bakit parang hindi naman sila “friend lang” ng kasama niya nang makita namin?

Diin ni Bangs, “Hindi, a, friend ko lang yun.

“Bakit, bawal bang lumabas ang dalawang magkaibigan?

“At hindi kami magka-holding hands. Wala kaming holding hands. Promise, wala.

“Never akong nakipag-holding hands sa lalaki sa labas. Kahit sa boyfriend, hindi ako PDA [public display of affection].”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Conscious ba si Bangs na baka may makakita sa kanya at masulat siya?

Sabi niya, “I don’t know… kasi nangyari ‘yan sa first boyfriend ko.

“Sa Tagaytay kami, kumain kami, parang nakaakbay lang siya sa akin, ang nabalita, exag, parang kulang daw mag-sex kami sa parang kubo.

“Ever since nun, parang na-trauma ako.

“Ayoko na ng nagiging PDA. Kasi, over-exag ang mga tao.”

Paano kung sweet ang boyfriend niya?

“Sinasabi ko na, at saka nakaka-dalawang boyfriend pa lang naman ako— mga non-showbiz.”



ENRIQUE GIL. Bakit sila nali-link ng Kapamilya heartthrob na si Enrique Gil? Ano nga ba ang totoo rito?

Sabi ni Bangs, “Ewan ko, kasi nagkita kami sa Japan, accidentally.

“Alam na niya na nasa Japan ako, siyempre nag-text na kami.”

Pero bago pa sila magkita sa Japan, nagkakapalitan na sila ng text messages?

Tugon niya, “Magkaibigan na kami kasi, The Reunion [2012] pa, lahat kami—Kean Cipriano, Enrique Gil, Xian Lim…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Actually, yung Japan, hindi namin usapan yun. May show ako; siya naman, bakasyon.

“’Tapos tinanong ko siya kung gusto niyang mag-raket kasi ipinakilala ko siya sa producer ko.

“’Tapos nagpunta kami sa Disneyland with his family. Ako naman, kasama ko ang producer ko.

“Wala, we’re friends.

“Ewan ko sa kanila, malisyoso siguro ang mga tao!”

Guwapo naman si Enrique, ‘di ba?

“Bata,” nakangiting sabi niya.

May isyu siya sa bata?

“Ayoko ng sakit ng ulo,” sambit ni Bangs.

“E, ahead pa akong mag-isip. Actually, five years older ang guys na gusto ko.”

Si Bangs ay 26 years old, habang si Enrique naman ay 22. Hindi naman ganun kalayo ang agwat ng mga edad nila kung tutuusin.

Pero ayon sa sexy actress, “Wala lang talaga, magkasama lang kami sa The Reunion, yun lang yun.

“Palagi lang kaming nagkikita. Hindi sinasadya.

“Nagkita rin kami noon sa Sinulog, sa Cebu. Pero, yun lang yun.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At saka, palagi akong nasa Cebu kasi marami akong friends doon.”

Hindi naman niya isinasara kanyang pintuan sa mas batang karelasyon?

Sagot ni Bangs, “Hindi naman, but not now, bata talaga siya.”

Tinatawanan lang daw ni Bangs ang pagkaka-link nila ni Enrique.

“Natatawa lang ako kasi parang isang picture lang naman ang lumabas, kaya nga hindi na namin inilabas ang ibang pictures.”

Napag-usapan ba nila ni Enrique ang pagkaka-link sa kanila?

“Napag-usapan na namin sa Cebu, pero tinawanan lang namin. Hayaan na lang natin.

“Yung sa picture, hindi nga kami sweet sa picture, wala lang,” saad ni Bangs.

Read Next
Read More Stories About
Bangs Garcia, Enrique Gil
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Itinanggi ni Bangs Garcia na may relasyon sila ng lalaking namataan na kasama niya sa isang mall. Saad ng Kapamilya actress, “Hindi, a, friend ko lang yun. Bakit, bawal bang lumabas ang dalawang magkaibigan? At hindi kami magka-holding hands. Wala kaming holding hands. Promise, wala. Never akong nakipag-holding hands sa lalaki sa labas. Kahit sa boyfriend, hindi ako PDA [public display of affection].”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results