Nakakakilig at nakakainspire na
kwento ng isang batang pag-ibig ang tampok na storya ngayong Sabado, July 25, sa Maalaala Mo Kaya.
Sa
pagbibida ni Makisig Morales at Ella Cruz, bibigyang buhay nila ang life story
ng mga batang mararanasan ang pag-ibig sa unang pagkakataon.
Si Roysan ay isang batang mahilig mag bisikleta. Isang araw, nakita niya ang unang babae na nagpatibok ng puso niya. Ngunit, si Baleleng ay mukhang hindi naniniwala sa "love at first sight." Gagawin lahat ni Roysan upang mapaibig rin sa kanya ang kanyang kalaro.
Maalaala Mo Kaya (July 25, 2009)
Makisig Morales as Roysan
Ella Cruz as Baleleng
Written by Maribel Ilag
Directed by Jeffrey Jeturian
Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN tuwing Sabado sa ganap na 8 ng gabi.