PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bugoy Drilon celebrates his birthday on TV5's Sunday variety show; denies switching networks

The Pinoy Dream Academy Season 2 runner-up says that he is still part of Star Magic and Star Records.
by Allan Sancon
Published Jan 10, 2011
Bugoy Drilon celebrated his birthday during the January 9 episode of P.O.5 (Party on Five). The Pinoy Dream Adacemy Season 2 runner-up says that he just renewed his contract with Star Magic. He is also slated to release his third album under Star Records.

Maraming nagtatanong kung lumipat na nga ba si Bugoy Drilon sa TV5 dahil napanood siya sa January 9 episode ng P.O.5 (Party on Five). Nag-celebrate ang 1st runner-up ng Pinoy Dream Academy Season 2 sa Sunday variety show ng TV5.


Nilinaw ni Bugoy ang lahat nang makapanayam siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa birthday celebration niya noong Linggo, January 9, sa East Raya Garden Hall, Pasig City.


Ayon sa singer, "Kapipirma ko lang po ng another one year contract sa Star Magic. Nag-guest lang po ako sa P.O.5. Tinanong lang po ng P.O.5 kung gusto ko raw pong mag-celebrate ng birthday sa kanila. Pinaalam po kay Mr. M [Johnny Manahan, head of Star Magic], kung ok lang po na mag guest ako dun at pumayag naman po si Mr. M na dun ako mag-celebrate ng birthday ko. Saka trabaho lang naman po, open naman ako sa kahit anong trabaho, basta kahit anong trabaho 'go' lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Pumirma ba siya ng kontrata sa TV5 at regular na ba siyang makikita sa P.O.5?

"No! Hindi po! Hindi po talaga! Guest lang po ako dun. Natawa ko dun ah! [sabay tawa ng malakas] Guest lang po talaga ko dun," tugon ni Bugoy.


Hindi ba nagtampo sa kanya ang ASAP na sa P.O.5 siya nag-celebrate ng birthday?

"Hindi naman po. Alam naman nilang sila pa rin ang Kapamilya ko, e. Nag g-guest naman po ako ASAP nag g-guest din naman po ako sa kabilang network. 'Saka ako po more work! More fun!"


Matapos makagawa ng dalawang albums—Bugoy Drilon: Paano Na Kaya? at Hindi Na Bale—ilalabas ni Bugoy ang kanyang still untitled third album under Star Records pa rin.

Naging masaya ang birthday celebration ni Bugoy kasama ang kanyang ina at mga kapatid na lumipad pa mula sa kanilang probinsya.

Nandun din ang ibang press at kaibigan sa showbiz na si Ara Mina at Zion Show (Hall of Famer ng Talentadong Pinoy). Maging ang finalists ng Pilipinas Got Talent na si Ala Kim and the Velasco Brothers ay sumama rin sa celebration ng past Grand Star Dreamer.


Bisita rin ni Bugoy ang kasamahan niya dati sa Pinoy Dream Academy Season 2 na sina Sheng Belmonte, Liezl Garcia, Hansen Nichols, Cris Pastor, ang mag asawang sina Chivas at Bunny Malunda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Dumalo rin ang PDA batchmate nila na si Miguel Mendoza na magkakaroon ng pre-Valentine Concert titled Love Defined na gaganapin sa Teatrino Greenhills, San Juan, sa darating na February 4, alas-otso ng gabi.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bugoy Drilon celebrated his birthday during the January 9 episode of P.O.5 (Party on Five). The Pinoy Dream Adacemy Season 2 runner-up says that he just renewed his contract with Star Magic. He is also slated to release his third album under Star Records.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results