PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rocco Nacino on career path as a serious actor: “I have no regrets. I don’t wanna go back.”

Rocco Nacino also proves that height does not really matter in showbiz.
by Rey Pumaloy
Published Jun 5, 2014
Rocco Nacino on relationship with Lovi Poe: “We’re total opposites, but we always have a lot of fun whenever we are together. And kakaiba yung connection namin, e, more than personal. Napag-usapan na rin namin na the first time we met, there was something.”

Sa hanay ng StarStruck V alumni, si Rocco Nacino ang ikinukunsidera bilang serious actor dahil na rin sa mga ginagampanan niyang papel sa pelikula at telebisyon.

Kapansin-pansin ito mula sa una niyang pelikula na Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa (2011), hanggang sa Burgos (2013), Pedro Calungsod: Batang Martir (2013), at sa ginagawa niya ngayong Hustisya, na entry sa Cinemalaya 2014.

Sa telebisyon naman ay mabibigat din ang naging roles niya sa mga teleseryeng Gumapang Ka Sa Lusak, Koreana, Yesterday’s Bride, Bayan Ko, at Akin Pa Rin Ang Bukas.

Ano ang reaksiyon ni Rocco sa pagtanggap sa kanya ng mga manonood bilang isang seryosong aktor?

Tugon ng 27-year-old Kapuso actor, “Hindi ko talaga alam, e.

“Pero eventually, naging career path ko yun dahil nga sa mga ginawa kong projects.

“Pero hindi ko akalaing aabot ako sa ganito.

“After StarStruck, akala ko hanggang doon lang ako sa competition at wala na akong gagawin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“But then, I was really blessed sa mga projects na ibinibigay sa akin.

“Masarap maramdaman yung love ng network through the projects they gave me and how they entrust those projects to me.

“Sa Bayan Ko pa lang, sinasabi ko na, ‘Bakit ako? Deserved ko na ba ito?’

“Eventually, kinaya ko rin.”

Ang Bayan Ko ay ang mini-series ng GMA News TV kung saan gumanap si Rocco bilang idealistic young mayor ng isang maliit na bayan.

Nakagawa rin ng ilang teenybopper roles si Rocco ngunit naging mabilis ang pag-akyat niya sa pagiging isang drama actor.

“Hindi ko alam kung dahil ba yun sa pag-rip ko ng shirt!” natatawang pagtukoy ng aktor sa pagrampa niya sa Cosmo Bachelor Bash ilang taon na ang nakararaan.

Patuloy niya, “But then, I appreciate it.

“Sa lahat ng mga ibinibigay sa akin, it all came as a surprise.

“Yung mga recognitions, my recent years ko with the awards and everything… hindi ko alam na magkaka-award ako, ever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And then, 2012, biglang boom! Tatlo na agad.

“It was really surreal for me that year.”

Noong 2012 ay nagwagi si Rocco bilang Best New Male Actor sa Star Awards for Movies ng PMPC at Golden Screen Awards ng ENPRESS para sa pagganap niya sa Ang Sayaw Ng Dalawang Kaliwang Paa.

Siya rin ang itinanghal na Most Promising Male Star of the Year sa Box Office Entertainment Awards.



DUYAN AWARD. Kamakailan ay tumanggap na naman ng award si Rocco mula sa Gawad Duyan Media Awards.

Ito ay ang Hiblang Huwaran Award para sa pagkakaganap niya sa Bayan Ko.

Kasama rin niyang tumanggap ng award ang co-star niya sa mini-series na si Pen Medina.

Pagmamalaki ni Rocco, “Bayan Ko had a lot of awards, so I was really proud.

"To think na hesitant pa ako na tanggapin ang project kasi first time ko makakaraket [sana] sa election... parang gano’n.

“My friends and family were telling me na, ‘In the long run, makikita mo yung advantages in taking this project.’

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Totoo nga yung sinabi nila.”

Dahil sa mga pagkilala sa husay ni Rocco sa pag-arte, hindi na niya dinaanan ang light roles na kadalasang ginagampanan ng young stars noong nagsisimula pa lang siya.

Pahayag niya, “Parang sayang naman daw, sabi ng iba.

“Pero sabi ng manager ko, iba naman yung path ko.

“Parang mas okey ako sa path ko ngayon.

“At least, mas okey yung ganito na ako.

“I have no regrets. I don’t wanna go back.”



SIZE DOES NOT MATTER. Ano naman ang masasabi ni Rocco sa komento ng iba na sinira niya ang paniniwala ng karamihan na kapag hindi katangkaran ang isang artistang lalaki, mahihirapan itong matanggap bilang serious actor?

Tugon niya, “I didn’t have enough confidence dati na sabi ko, ‘How can I make it in this industry, I’m not that tall as the other actors, artists, dancers? Paano na ako pagkatapos ng StarStruck?’

“Eventually, naging maganda sa akin yung pagdating ng mga projects ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“And I believe I can be a role model to other people na gusto mag-artista na whose the same height as me.

“Idaan muna sa talent mo and ipakita yung dedication mo.

“Ipakita mo na masipag ka and make sure na makapag-aral ka muna.

“Iba pa rin na may edukasyon ka.”

Si Rocco ay graduate ng kursong Nursing at pumasa na rin siya ng Board Exam para sa nurses.

Maging sa pagkakaroon ng kasintahan ay hindi naging hadlang ang height para kay Rocco.

Ang rumored girlfriend niya ngayong si Lovi Poe ay halos kasing-taas niya kapag naka-flats lang ang aktres.

Pahayag naman ni Rocco, “Short guys aren’t the losers, it’s what inside.”



BLESSINGS. Binanggit din ni Rocco sa PEP na noong nakaraang linggo ay nagtungo sila ni Lovi sa simbahan upang magpasalamat sa mga biyayang natatanggap nilang dalawa.

Kung si Rocco ay sunud-sunod ang indie films na ginagawa, si Lovi naman ay may bagong teleserye ngayon—ang Ang Dalawang Mrs. Real kung saan kasama nito sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Rocco, “I was really happy for her. I was telling her na proud ako sa kanya.

“And, as for me naman, may award akong natanggap.

“Yun nga, sabi ko sa kanya, ‘Sabay tayong mag-church para magpasalamat tayo.’”

Hindi itinatanggi ni Rocco na magkasundo sila ni Lovi sa maraming bagay at palagi silang masaya.

Kuwento niya, “Kulang na lang pagsabihan kami sa restaurant dahil ang lakas naming tumawa.

“But I’m happy. It's a fun relationship. Para kayong mag-best friends."

Ano ba mayroon sa relasyon nila ni Lovi at tila matatag ito?

Tugon ni Rocco, “I don’t know… we just clicked.

“We’re total opposites, but we always have a lot of fun whenever we are together.

“And kakaiba yung connection namin, e, more than personal.

“Napag-usapan na rin namin na the first time we met, there was something.”

Ikinatutuwa naman ni Rocco ang nalamang komento mula kay Lovi na kaya raw sila masaya at magkasundo ay dahil madalas siyang pinapatawa ng aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, “E, pinapasaya rin niya ako, e.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Alam mo bang nakakatawa ka?’

“People look up to her as a goddess or ano, but when we are together, I keep forgetting she’s the daughter of FPJ [the late Frenando Poe Jr.].

“Sobrang down to earth niya.”

Paano kung magkahiwalay sila? Matatanggap niya ba?

Sabi ni Rocco, “Ganun naman talaga.

“Wala namang perfect relationship, e. Meron talagang ups and downs.

“Pero kami ni Lovi, basta yung communication namin, laging nandun.

“Kung ano yung ‘di pagkakaunawaan sa relationship, e, inaayos naman yun.”

Read Next
Read More Stories About
Rocco Nacino, Lovi Poe
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rocco Nacino on relationship with Lovi Poe: “We’re total opposites, but we always have a lot of fun whenever we are together. And kakaiba yung connection namin, e, more than personal. Napag-usapan na rin namin na the first time we met, there was something.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results