PRESS STATEMENT FROM ABS-CBN:
"Humanda na sa walang-humpay na kasiyahan! Muli na namang yayanigin ng Kapamilya Karavan ng ABS-CBN Regional Network Group (RNG)ang pinakaaabangang Dinagyang Festival sa Iloilo City ngayong darating na Enero 22, Sabado, 3 p.m. sa Robinson's Place Iloilo Ledesma Carpark.
"Tampok ang pinaka-pinaguusapang mga Kapamilya artists na sina Gerald Anderson ng Buhawi Jack, Coco Martin ng Minsan Lang Kita Iibigin, Maricar Reyes ng Imortal, Ron Morales ng Sabel at ang pinakaaantay na tandem nina Vhong Navarro at Angelica Panganiban sa Bulong, ang pinakabagong pelikulang handog ng Star Cinema.
"Upang mas lalo pang pasayahin ang natatanging selebrasyon, makikipag-showdown ang Kapamilya heartthrob na si Matt Evans ng Juanita Banana sa Dinagyang Kapamilya Dance Showdown Year 4. Ang pinakamalaking paglalaban-laban ng pinakamalalaking dance crew sa Iloilo ay gaganapin sa Enero 21, Biyernes, 5 p.m. sa SM Iloilo City Parking Lot.
"Samantala, ang ASAP Rocks ay makikisaya din sa Dinagyang Festival dahil live itong magtatanghal mula sa Iloilo Sports Complex sa Enero 23, 12:15 p.m.
"Huwag palampasin ang mga sorpresang hatid ng ABS-CBN Regional Network Group!"
Ed's Note: When content falls under "Press Statement," this means that the material is fully and directly from the company itself. The use of open-and-close quotation marks to envelope the entire text shows as much. This also means that PEP is not the author of the statement being read. PEP is simply providing the information for readers who may be interested.