PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gabby Eigenmann assures viewers that portrayal of gays in Dading is very much different from My Husband's Lover

Gabby Eigenmann on Dading versus My Husband's Lover: “Ako ang pagmamahal ko is not sa lalaki dito sa istorya
by Rommel R. Llanes
Published Jun 19, 2014
Ani Gabby Eigenmann, ang pelikulang The Birdcage nina Robin Williams at Nathan Lane ang isa sa pegs niya para magampanan nang maayos ang gay role nito sa Dading.

“Medyo,” ang pabirong sagot ni Gabby Eigenmann sa tanong namin kung madali bang bitawan off-cam ang gay character niyang si Carding sa Dading.

“Medyo pag nasa phone ako, ‘O ano na? [sa tonong bading].’

“I make sure naman pag-uwi hindi, pero kasi iyon ang challenge for me. Hindi lang buong araw ko gagawin ito, e, buong teleserye, e.

“So I have to get used to turning it off. Kunyari every after take minsan, take kami ni Glaiza, bading-bading ako. ‘tapos pag nag-cut na, ‘So ano nang next?’

“Pero nandun pa rin yung [bading character] so, ‘Teka lang, ha?’

“’Tapos pag nagta-try akong maging lalaki, yung normal ko, parang ang dating, inaarte ko,” saka tumawa si Gabby.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby sa taping ng Dading sa Marikina noong Miyerkules, June 11. Dito ay makakasama niya sina Glaiza de Castro, Benjamin Alves, Chynna Ortaleza, Gardo Versoza, at iba pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang naramdaman niya nung nalamang bakla ang launching project niya sa GMA?

“Sabi ko naman, hindi kasi nagsi-sink in sa akin. Ayoko na isipin na ganun.

“Like going back to Munting Heredera, I consider that as big break as well kasi that was my first award-winning soap.”

Pero sa Dading, sa kanya ang title role.

“Yun na nga, sabi ko nga, every project that is given to me, I treat is as, you know, work. Hindi ko iniisip kung ano gaano ako ka-importante sa ano na ito.

“Kaya nagulat talaga ako na Dading is me. Ang dami ngang nagko-congratulate.”

PLAYING GAY ROLE. Hindi raw siya nag-aalala na mapanood siya ng mga anak bilang isang bakla sa telebisyon.

“Nag-usap na kami, kasi apat sila, e. Yung iba natuwa kasi, ‘Uy buti naman hindi ka kontrabida.’

“So sabi ko, ‘So you know na my role.’

“Sabi naman, ‘Yeah, you’re gay!’ So okay. Okay naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang mga edad ng apat niyang anak ay 18, 16, 12, and 10.

Mabuti at pinapayagan niya ang mga anak na panoorin ang kanyang mga shows, kung saan kotrabida dati ang roles niya at ngayon, bading naman siya.

“Buti na lang, nasa school sila,” at tumawa ulit si Gabby.

“Okay lang, okay lang. Sabi ko nga kasi, when they were growing up, feeling ko, papunta rin sila sa showbiz e kasi they all sing. Marunong kumanta.

“Pero pag tinatanong mo naman, medyo nahihiya-hiya pa pero feeling ko papunta doon, e.”

PLAYING LEAD. Tinalbugan na niya ang pinsang si Geoff Eigenmann dahil hindi pa ito nabibigyan ng isang title-role project.

“Hindi naman. Huwag ganun,” sabi ni Gabby.

“Wala, ayokong isipin ‘yan. Sabi ko nga, I always treat it as kung anumang project ang ibigay. Although like I always say na I feel blessed because yung tiwala talaga ng GMA sa akin na napakalaki.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“And sabi ko naman, like kausap ko si Perry [Lansigan, Gabby’s manager], sabi ko, ‘Yung sukli ko sa tiwala nila is, I just do the best that I can.’”

Hindi ba siya nag-isip na bakit ngayon lang siya binigyan ng solo project?

“Hindi, e. Wala naman sa sistema ko yun, e. Basta ako, yun nga, it’s a profession, e. Trabaho lang.

“Kahit if you look deep inside my heart na, ‘Ah, finally!’ Wala akong ganun na reaction, pero yung hinga na, ‘Wow!’

“Overwhelmed lang ako. Yun lang. It’s a huge, kumbaga it’s a big baggage to carry.

“Kasi siyempre parang ang dating sa iba, ‘Uy, finally binigyan siya ng title role, panoorin nga natin.’

“Baka mapahiya naman ako, ‘di ba?”

PEGS. Marami raw siyang pinaggayahan para magampanan nang maayos ang papel bilang si Carding.

“Well, kasi sa opisina [PPL Entertainment, Perry’s talent agency], ang daming bading, e.”

Pinanood daw niya ang The Birdcage na gay-themed movie noong 1996 nina Robin Williams at Nathan Lane.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinanood rin daw ito ni Gardo Versoza na gaganap na bilang Lexi, ang bading na bestfriend ni Carding.

“I’ve seen The Birdcage. Ganun din ako, pareho kami ni Gardo, kasi yung gusto sana naming treatment ni Gardo is mala-Birdcage type.

“Pero siyempre, hindi naman kami mag-dyowa dito, e. Kumbaga siya yung mentor ko, mother-mother ang ano ko sa kanya.

“Yung Magic Kingdom ni Daddy [Mark Gil]. Yung pelikula ni Timmy [Sid Lucero] with Cogie Domingo, naghahanap ako ng konting ideas.

“But so far, the only thing that’s helping me is the people here, the script, the director.”

Si Ricky Davao ang direktor ng nasabing serye.

Sa pagpapatuloy ni Gabby, “At ang daming ka-pederasyon dito, the make-up artist, the stylist.”

COMPARISON WITH MY HUSBAND’S LOVER. Handa ba siyang maikumpara sa portrayal nina Dennis Trillo at Tom Rodriguez sa My Husband’s Lover?

“I guess wala naman...they have their own opinion of ano, that’s why nga when we started to do the first taping day, first eksena namin, we tried to really not naman experiment, pero kasi before taping, nag-reading pa kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaharap namin ang creative team, ang EP [executive producer], ang AP [associate producer], yung PM [production manager], nanonood sila habang nagri-reading kami.

“I did different kinds of attack. I did different kinds of delivery para kung meron silang gusto na ma-suggest...

“Gusto nila mas mahinhin, mas mabagal magsalita, mas malambing.

“Kasi iniiba-iba ko, e. So kung saan sila comfortbale then iyon yung gagawin ko kasi iyon ang gusto naming iwasan, na maging pareho sa ano [MHL].”

Napanood raw ni Gabby ang MHL.

“Oo naman! Dennis did a great job!”

May isa pa raw kaibahan ang gay roles nila ni Dennis.

“Hindi ko alam kung gaano kalayo yung pagkakaiba kasi yung kay Dennis, sosyal, e. Sosyal na mayaman na gay siya dun e and yung pagmamahal niya sa lalaki, e.

“Ako ang pagmamahal ko is not sa lalaki dito sa istorya, it’s more of the kid. So yung importansiya, yung emosyon ng bading na Tatay, dun lang naka-focus.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

GAY ENCOUNTERS. Tinanong namin si Gabby kung sa tunay na buhay ay naligawan na siya ng bading.

“Oo ‘ata, e. Hindi ko na maalala.”

Nagsisimula pa lang daw siya noong mag-artista.

“Malambing ako sa ano, e. Sabi ko na lang, ‘Ah sorry po, hindi po ako ano.’

“Ganun lang.”

Ano ang mararamdaman niya halimbawang nasa mall siya at may tumawag sa kanya na bakla?

“Okay lang, baka effective siguro. I’ll just treat it the same way when they used to see me doing villain roles, na kinukurot nila ako, hinahampas nila ako, ‘Ang sama-sama mo!’ Ganyan...

“If I would have that same ano na, ‘Ay, bakla ka, e. Baka bakla ka talaga?’

“Kaya okay lang.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ani Gabby Eigenmann, ang pelikulang The Birdcage nina Robin Williams at Nathan Lane ang isa sa pegs niya para magampanan nang maayos ang gay role nito sa Dading.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results