Sinisigurado ni Comedy Box-Office
King Vic Sotto na talagang nakakatawa at mag-e-enjoy ang mga manonood sa bago
niyang movie under OctoArts Films, M-Zet TV at APT Entertainment, ang Love OnLine (LOL), directed by Tony Reyes at showing on August 19, 2009.
Kasama niya rito bilang leading lady si Paula Taylor, isang sikat na
international VJ, model, TV and movie actress mula sa Thailand. Kabilang din sa
cast sina Jose Manalo, Manilyn Reynes, Gina Pareño, Melissa Ricks, Matt Evans,
Dominic Roco, Ricky Davao, Leo Martinez, Richie D' Horsie at Wally Bayola.
"Love OnLine (LOL)... LOL also means
laughing out loud at yun naman ang maipapangako namin sa mga manonood,
patatawanin namin sila ng malakas. Lalo na yung mga kabataan ngayon na mahilig
mag-chat, mag-eyeball. Maraming mga nakakatawang nangyayari diyan at marami
ring misteryosong nangyayari katulad ng nangyari dito sa pelikula namin na
hindi sinasadya ay nagka-love online kami ni Paula Taylor," pahayag ni Vic nang
ma-interview siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal).
Ginagampanan ni Vic ang role ni
Samson, ang masipag at responsableng anak ni Delilah, played by Gina Pareño. Kapatid
ni Samson si Tot (Jose Manalo), na ampon naman ni Delilah. Si Tot ay
happy-go-lucky at mahilig sa computer games at makipag-chat sa Internet. Gamit
ang picture ni Samson sa kanyang profile, naging ka-chatmate ni Tot si Bunny
(Manilyn Reynes). Pero nagpapanggap din pala si Bunny na gamit naman ang
picture ng kanyang pinsan na si Lily (Paula Taylor). Dahil sa mga pagpapanggap
na ito magkakaroon ng conflict sa pagitan ng mga characters pero maglalapit
naman kina Samson at Lily.
Naka-relate ba si Vic sa role niya
sa movie?
"Eksakto yung role ko rito e. Hindi ako nag-o-online talaga. Hindi ako yung
ka-chat talaga ni Paula e, si Jose. Kaya lang picture ko ang nakalagay dun sa
profile. So, dun na magsisimula ang mga pangyayari."
Ano naman ang kaibahan ng LOL sa ibang comedy movies na nagawa na niya?
"It's been quite a while na gumawa ako ng parang romantic comedy. And it's not just an ordinary romantic comedy, may pagka-fantasy ng kaunti kasi there's a part in the movie na magkakapalit kami ng katawan at katauhan ni Jose."
Proud si Vic sa mga artistang kasama niya sa pelikula dahil aniya pawang mga
magagaling at professional ang mga ito. Panay nga ang puri ni Vic sa kanyang
leading lady niya na si Paula Taylor.
"Definitely she's more than what I
really expected. She is a very pleasant surprise. Akala ko model-model
lang siya, pretty-pretty na ganun lang. Pero she's a lot more than that. She's
a good actress. As a friend, nakita ko kung paano siya makisama sa mga
Pilipino, kahit sino, kahit yung mga crew. She's very nice."
Personal choice ba niya si Paula para maging leading lady?
"It was a group choice, kasama yung
aking mga co-producers [Orly Ilacad of OctoArts Films at Tony Tuviera of APT
Films]. During our pre-production meeting, lumabas yung pangalan ni Paula. When
they told me about it, hindi naman ako nagdalawang-isip kasi bagay-bagay siya
dun sa role na foreigner na pumunta rito sa Manila . At saka familiar naman ang
mga Pilipino sa face ni Paula sa TV lalo na sa mga commercials. I also found
out that she has a comedy soap back in Thailand and she's doing movies also.
So, I said yes. I approved that we get her as part of the movie."
Nilinaw naman ni Vic ang tungkol sa
isyung napalitan daw si Wally Bayola ni Jose Manalo bilang kanyang sidekick.
Nauna na kasing ina-announce noon ni Vic na si Wally ang dapat na magiging
sidekick niya rito. Pero dahil nga naaksidente si Wally ay umigsi ang role nito
at napunta kay Jose ang sidekick role.
"Oo, unfortunately. Ako naman... sa
akin naman, pareho lang naman ng galing yung dalawang yun, e. So, nung pumalit
si Jose, swak na swak din dun sa role."
Katrabaho rin ni Vic sa LOL ang isa sa top loveteams ng ABS-CBN
na sina Matt Evans at Melissa Ricks. And Vic has only good words for them.
"These guys have a very, very bright
future. They're fun to work with. Makikita mo yung init nila sa trabaho at yung
galing nila sa pag-arte, yung attitude nila sa buhay. Si Melissa at saka si
Matt, they're very nice kids. And nakasisiguro ako na malayo pa ang mararating
nila. Although malayo na ang narating nila...mas malayo pa."
First time namang makatrabaho ni Vic
si Gina Pareño at humanga rin si Bossing sa beteranang aktres.
"Oo, first time naming magkatrabaho.
Would you believe gumaganap siyang nanay ko? Magaling siya, magaling na
magaling. No wonder ang daming kumukuha sa kanya. Ang daming nga niyang
projects, e. Mas maraming pang raket sa akin," biro ni Vic. "Pero hanga talaga
ako kay Gina. Okay na sa drama, panalo rin sa comedy. For sure magkakaroon ng
second time itong first time na pagtatrabaho namin."
Hindi rin nakaligtaang isama ni Vic sa cast ang nagbabalik-pelikulang si Richie D' Horsie.
"Oo, isasama na natin lagi yan.
Matino na ang kabayo e, este," sabay tawa ni Vic. "Si Richie naman okay naman
yang kasama e. Sana tuluy-tuloy na ulit ang career niya."
Love OnLine (LOL) will open in cinemas nationwide starting August 19, 2009.