PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Erich Gonzales plays a teenage mother in Katorse

She has three leading men in this ABS-CBN primetime TV series: Ejay Falcon, Xian Lim and Enchong Dee.
by Kate Borbon
Published Aug 16, 2009
The stars of Katorse (from left) Xian Lim, Erich Gonzales, Enchong Dee, and Ejay Falcon will be seen every night on ABS-CBN starting August 24, 2009. In this ABS-CBN primetime soap opera, Erich portrays Nene, a young girl who becomes a teenage mother.

Matapos maurong ang pagpapalabas, finally ay mapapanood na sa Agosto 24 ang bagong primetime teleserye ng ABS-CBN na Katorse. Pinagbibidahan ng 2005 Star Circle Quest Grand Questor na si Erich Gonzales, ang Katorse ay inspired ng 1980 film na nag-launch sa career ni Dina Bonnevie noon. Directed by the late Joey Giosiengfao, ang coming-of-age film of the same title ay pinagbibidahan rin ni Gabby Concepcion.


Mismong si Erich ang nagpaliwanag sa mga press kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) during the presscon na ginanap kamakailan sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kung bakit na-delay ang Katorse gayundin ang nararamdaman niyang kaba sa unang title role niya sa telebisyon.

"Nagsu-shoot po kami sa Batangas, sobrang sama po ng panahon noon, yun po kaya medyo natagalan. Pero tuluy-tuloy pa rin po ang trabaho namin. Nandun po ang kaba at saka excited din. Mixed emotions po. Kaya nga po sana maraming manood at sumuporta po sa amin," ani Erich.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Masayang-masaya din si Erich dahil matapos ang matagal din niyang paghihintay ay dumating na ang big break para sa kanya. Ginagampanan ni Erich ang role ni Nene, isang katorse anyos na dalagita na sa kanyang murang edad ay nahaharap na agad sa masalimout na buhay kaugnay na rin ng kanyang maagang pagbubuntis.


"Alam naman po nating lahat na ang tagal kong naghintay, kaya I'm so thankful and I feel so blessed. Sa dinami-dami po ng artista ngayon, ako pa po ang napili," wika ni Erich.

Ayon pa kay Erich, ang Katorse ang biggest challenge sa kanyang acting career, lalo na't may mga kissing at love scenes na kailangan niyang gawin kasama ang kanyang mga leading men.

Kasama ni Erich sa Katorse ang tatlong leading men niya na pawang mga baguhang sina Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Winner Ejay Falcon, model-athlete Xian Lim at actor-champion swimmer Enchong Dee.

Nakatulong ng malaki para maalis ang kanyang hiya at mahas pa ang pag-arte niya sa pamamagitan ng pakikipag-bonding at pag-undergo ng workshops kasama ng mga leading men niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Malaking tulong po talaga yung pag-undergo namin sa acting workshop pati sa sensuality workshop para maging comfortable ako with my leading men sa mga daring scenes namin. Nanood din po ako ng movie version ng Katorse ni Ms. Dina Bonnevie. Nag-aral din po ako ng ibang acting techniques sa panonood ng movies na related sa role ko," sagot ni Erich nang matanong kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role lalo na't hindi naman niya ito naranasan in real life.

Ginagampanan ni Ejay ang role ni Gabby Arcanghel, ang kababata ni Nene at makakabuntis sa dalagita. Siya ang "bad boy" sa istorya dahil tinanggihan niyang panagutan ang dinadala ni Nene. Malalaman ang tunay na katauhan ng kanyang karakter sa pag-usad ng kuwento. Sa movie version ng Katorse ay ginampanan ni Gabby Concepcion ang role na ito.

"Hindi naman po ako bad boy dito hanggang sa huli. Basta po may mangyayari sa kuwento na dapat n'yong abangan. Basta masaya po ako sa break na ito na ibinigay ng ABS-CBN. Worth it naman po ang paghihintay ko dahil major project pa po itong binigay nila sa akin. Alam ko po hindi pa ako ganung kagaling umarte, willing naman po akong matuto. Gagawin ko po ang lahat para sa ikagaganda ng show namin," pahayag ni Ejay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nakatatandang kapatid naman ni Gabby na si Albert ang role ni Xian sa Katorse. Siya ang bubuo sa naiibang triyanggulo ng pag-ibig sa pagitan ng kapatid at ni Nene. Si Alfie Anido naman ang gumanap sa original movie.

"When I was told that I will be one of the main cast of Katorse, masayang-masaya talaga ako. Katorse is really a big break on my part. To be working with such a great cast is really a great experience. Promise ko pagbubutihan ko ang trabaho ko," sabi naman ni Xian.

Si Enchong naman ang kukumpleto sa tatlong leading men ni Erich at ginagampanan niya ang role ni Jojo, ang matalik na kaibigan ni Gabby na makakatulong at aalalay kay Nene sa pagdadalang-tao niya.

"Bagong show, bagong challenge. I'm so thankful sa ABS-CBN at hindi ako nawawalan ng projects. Nagkatrabaho na kami dati ni Erich pero this is the first time na makatambal ko siya. Suportahan lang kami lagi, of course kasama sina Ejay at Xian," sambit naman ni Enchong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Gumaganap naman sa mahahalagang roles sa Katorse sina Cherie Gil at Gardo Versoza bilang sina Margarita at Anselmo Arcanghel, mga magulang nina Gabby at Albert; at si Malou de Guzman na gumaganap naman bilang si Nena, ang nanay ni Nene. Kasama rin sa cast sina Eda Nolan at Charee Pineda.

Sa direksyon ng premyadong direktor na si Malu Sevilla, ang kuwento ng Katorse ay iinog sa pag-ibig, paninindigan, pananagutan at pagiging isang batang ina. Ang pinakabagong teleseryeng ito ay tiyak na pupukaw sa atensyon, hindi lamang ng mga kabataan kundi pati na rin sa mga magulang ukol sa paggabay ng kanilang lumalaking mga anak.

Mapapanood ang Katorse, simula Agosto 24 sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The stars of Katorse (from left) Xian Lim, Erich Gonzales, Enchong Dee, and Ejay Falcon will be seen every night on ABS-CBN starting August 24, 2009. In this ABS-CBN primetime soap opera, Erich portrays Nene, a young girl who becomes a teenage mother.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results