Kim Chiu on controversy over her Best Actress award: "Hindi ba ako marunong umarte?"

by Nerisa Almo
Nov 27, 2014
Kim Chiu to her bashers: “Sa lahat ng mga bumabatikos, gagawin ko silang inspirasyon para pagbutihin ko pa yung ginagawa ko. Open naman ako sa ganun, ayos lang po.”

Hindi napigilan ni Kim Chiu ang umiyak habang sinasagot ang akusasyong binili niya ang Best Actress award na napanalunan niya mula sa 28th PMPC Star Awards for TV noong Linggo, November 23.

Si Kim ang hinirang na Best Actress para sa pagganap niya sa teleseryeng Ikaw Lamang. Nanalo namang Best Actor ang co-star niya ritong si Coco Martin.

Natalo ni Kim para sa nasabing category sina Bea Alonzo (Sana Bukas Pa Ang Kahapon), Angel Locsin (The Legal Wife), Lovi Poe (Ang Dalawang Mrs. Real), Maja Salvador (The Legal Wife), Maricel Soriano (Ang Dalawang Mrs. Real), at Dawn Zulueta (Bukas Na Lang Kita Mamahalin).

“Of course, I cannot please everyone. May kanya-kanya naman tayong idolo and gusto natin ang pinaka-the best sa mga taong iniidolo natin,” panimulang sagot ni Kim nang tanungin siya ng Aquino and Abunda Tonight host na si Boy Abunda tungkol sa isyu, kagabi, November 26.

Sa pagpapatuloy niya, pilit na pinipigilan ni Kim ang sarili na huwag umiyak.

Continue reading below ↓

“Ang social media ngayon, sobra nang... Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako!”

Patuloy ni Kim, bagamat masakit ang mga paratang sa kanya, napapawi ito tuwing makikita ang parangal na iginawad sa kanya ng Philippine Movie Press Club.

Aniya, “Siyempre, sa tagal ko dito sa showbiz, masakit din na pagsalitaan ka ng ganun.

“Pero kapag nakikita ko ang award ko... nagawa ko. Okay ang ginawa ko sa Ikaw Lamang.

“Sa walo kong teleserye, ngayon lang ako nakatanggap ng recognition na matatawag ko na akin at Best Actress ako.

“Siyempre, pangarap ko 'yon na magkaroon.”

Read: PMPC Star Awards for TV results marred by controversy anew; Kim Chiu reacts to claim that her Best Actress award was bought

Dahil sa pangyayari, inamin ni Kim na naitanong niya sa kanyang perennial onscreen partner na si Xian Lim, “'Hindi ba ako marunong umarte? Hindi ba ako nakaka-inspire ng maraming tao sa ginagawa ko?'

“Sabi niya, 'Hayaan mo na sila. At the end of the day, nasa iyo naman ang trophy, 'yon na lang ang importante. Kahit na ano ang sabihin nila, hindi na nila mababawi 'yon.'”

Continue reading below ↓

Nagsimula si Kim sa showbiz noong 2006 nang maging kauna-unahang winner siya ng Pinoy Big Brother Teen Edition.

Sa tagal na niya sa industriya, tila hindi pa rin magawang masanay ni Kim sa mga kontrobersiya sa showbiz.

Katuwiran ni Kim, “Iba-iba kasi ang salita.

“Siyempre, nandoon yung effort ko, yung pagod, yung puyat.

“Siyempre, ang sarap sa pakiramdam na makatanggap ka ng, 'Uy, ang galing mo.' Magaling pala ako.”

Sa kabila ng lahat, tinatanggap daw ni Kim ang mga kritisismo laban sa kanya.

Sa halip na magalit, sabi ni Kim, “Sa lahat ng mga bumabatikos, gagawin ko silang inspirasyon para pagbutihin ko pa yung ginagawa ko. Open naman ako sa ganun, ayos lang po.”

Sa huli ay muling binanggit ni Kim ang una niyang pahayag sa kanyang Twitter account:

kung binibili ang award sana bumili nko noon pa po.#justsaying #goodvibes lang po tayo dito. mag thank u kay papa God sa lhat ng blessings:)

β€” kim chiu (@prinsesachinita) November 24, 2014
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story β†’
Kim Chiu to her bashers: “Sa lahat ng mga bumabatikos, gagawin ko silang inspirasyon para pagbutihin ko pa yung ginagawa ko. Open naman ako sa ganun, ayos lang po.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results