Miss India Asha Bhat wins Miss Supranational 2014 title; Miss Philippines Yvethe Marie Santiago reaches Top 20

by Rizza Benedicto
Dec 6, 2014
Miss Supranational 2013 Mutya Datul turns over her crown to Miss India Asha Bhat.

Natapos na ang isa sa mga prestihiyosong beauty pageant na sinalihan ng Pilipinas ngayon taon, ang 6th Miss Supranational na ginanap kaninang madaling-araw, December 6 (gabi ng Biyernes, December 5 sa Poland) sa Krynica-Zdrój Ice Arena, Southern Poland.

Noong nakaraang taon ay naiuwi ng ating pambato na si Mutya Datul ang korona bilang Miss Supranational 2013. Habang si Yvethe Marie Santiago naman na naging pambato natin ngayong taon ay naging kabilang lamang sa Top 20.

Hinirang na Miss Supranational 2014 si Miss India Asha Bhat.

First runner-up si Miss Thailand Parapadsorn Disdramrong, second runner-up Miss Gabons Maggaly Nguema, third runner-up naman si Miss U.S. Allyn Rose at fourth runner-up si Miss Poland Katarzyna Krzeszowska.

Ang Top 20 quarter-finalists ay sina Miss Argentina Marisol Arrillaga, Miss Australia Yvonne Amores, Miss Belarus Kristina Martsinkevich, Miss Canada Gabriela Clesca, Miss Chile Charlotte Molina, Miss Philippines, Yvethe Santiago, Miss Romania Elena Zama, Miss Sweden Ida Ovmar, Miss Switzerland Mylene Clavien, and Miss Trinidad & Tobago Tinnitia Griffith.

Continue reading below ↓


SPECIAL AWARDS. Para sa special awards, ang mga nanalo ay sina:

  • Miss Canada Gabriela Clesca - Miss Congeniality
  • Miss Denmark Angela Lakocevic - Miss Photogenic
  • Miss Sweden Ida Ovmar - Miss Bikini
  • Miss Malaysia Audrey Loke Pui Yan - Best Smile
  • Miss England Zandra Flores - Miss Elegance
  • Miss Myanmar Han Thi - Miss Internet
  • Miss China Gu Wei - Top Model

MEMORABLE MOMENTS. Ayon naman sa report ng globalbeauties.com, bukod sa mga inaabangang question and answer portion ay may ilang nakakatuwang pangyayari habang nagaganap ang pageant.

Una ay nang madulas si Miss U.S.A. matapos siyang tawagin bilang isa sa mga Top 10. Agad naman siyang tumayo at tumuloy sa pagrampa at pagbibigay-karangalan para sa kanyang bansa.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miss Supranational 2013 Mutya Datul turns over her crown to Miss India Asha Bhat.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results