For the
fourth time, muling pasasayahin ng Pop Princess na si Sarah Geronimo ang
kanyang mga fans sa isang major concert. Gaganapin ang Record Breaker sa Araneta Coliseum on November
7. Ito ang follow-up sa kanyang previous concert
titled The Next One.
Viva Record Concert and Events announced the coming concert sa isang presscon
sa Patricia Hall ng Annabel's Restaurant in Tomas Morato, Quezon City last
week.
May bago ba siyang ipakikita, bukod sa pag-awit niya ng mga hit songs niya at
mga songs sa bagong album niya na iri-release before the concert?
"Much bigger raw po ito at talagang paghahandaan namin ang bawat number," nakangiting wika ni Sarah. "As of now, kahit po sa akin, ayaw pa rin nilang sabihin kung sinu-sino ang magiging guest ko sa concert, surprise daw po muna kasi kinakausap pa nila."
It was only in 2003 nang magkaroon ng first major solo concert si Sarah as a
professional singer, ang Popstar: A Dream Come True at the Music
Museum. Naging very successful ito and after two months, bumalik siya for
a repeat.
Since then, the stage has become a big, wonderful part of Sarah's world, not
only in the Philippines but also abroad, performing before her Filipino fans,
as a solo artist or as part of the The Champions Tour.
Her latest, ang Night of the Champions 2 North American Tour in
2008, ang pinaka-hectic at pinakamatagal na concert tour ni Sarah, performing
in Vancouver, British Colombia, Edmonton, Alberta, Calgary, Winnipeg, Manitoba,
Toronto, Ontario, Montreal, Quebec; and in San Jose, California and Houston,
Texas.
For a
change, magpapa-sexy na ba siya like Lady Gaga when she performed here last
month?
"Naku, nanood po ako ng concert ni Lady Gaga, nagustuhan ko, kaya lamang hindi ko po kayang gayahin ang mga isinuot niya," natatawang wika ni Sarah. "Kahit po ang favorite kong si Beyonce, hindi ko kaya ang mga isinusuot niya. Siguro po, kung kakanta ako ng mga songs nila, dadaanin ko na lamang sa attitude ang performance ko. Hindi ko po talaga kaya."
Tinanong din si Sarah kung ano ang gagawin niya sakaling may boyfriend siya at
saktan din siya, tulad ng pananakit kay Rhianna ng boyfriend nitong si Chris
Brown?
"Hindi
po pwede sa akin iyon," at napahagikhik si Sarah. "Hindi po ako
papayag na saktan ako ng lalaki, ako ang mananakit sa kanila kapag ginawa nila
sa akin iyon. Kaya nga po kahit pinipilit nila akong makipag-boyfriend
na, hindi ko po ginagawa, tama na muna iyong may inspirasyon ako ngayon.
Pinipili ko pa ang right man for me, someone who is a man of God, someone who
will make me a better person, hindi iyong ipapahamak pa niya ako."
Pero hindi
pa rin magpapahinga si Sarah, dahil after ng Araneta concert, pupunta pa siya
ng Europe.
"May
concert po ako sa Rome and Milan in Italy. Tinatapos ko rin po ang Christmas
album ko sa Viva Records, ang Christmas
Girl na iri-release na namin next month, sa October. Kasabay ko pong
ginagawa ang isang studio album for Viva Records din na iri-release namin
before the concert. Kaya talagang very busy po ako ngayon, next na po ang
lahat tungkol sa acting ko. Mas priority ko talaga ang music ko
ngayon," patapos ni Sarah.