PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ON THE SET: Stairway to Heaven stars shoot wedding dance

Rhian Ramos and Dingdong Dantes groove to the music for their GMA-7 show.
by Paul Mata
Published Oct 20, 2009
Rhian Ramos and Dingdong Dantes showed their dancing skills during a recent taping of Stairway to Heaven in SM North Edsa, Quezon City. This wedding-gown fashion show will be shown in the coming episodes of the GMA-7 show.

Nagkagulo ang mga tao sa SM North The Block noong Miyerkules, October 14, nang mag-shooting sa ground floor ang cast ng GMA-7 show na Stairway to Heaven. Lalo pa silang na-excite nang makita nila ang mga bidang sina Dingdong Dantes, na nakasuot ng suit samantalang si Rhian Ramos naman ay nakasuot ng all-white wedding gown na akala mo'y ikakasal na sa altar. Kasama nila ang iba pang cast members ng TV show tulad nina Jean Garcia, Jestoni Alarcon, Sandy Andolong, Glaiza de Castro, at Carlo Gonzales.

Sumikat kamakailan ang isang video ng isang kasal kunsaan ang entourage ay nagsayaw sa aisle ng simbahan papunta sa altar. Parang ganito ang naging concept nang mag-shoot on location ang Kapuso stars.

Nagpakitang-gilas sa pagsasayaw si Rhian nang magsayaw siya sa gitna ng aisle patungo kay Dingdong. Kinuha ng aktor ang kamay ng aktres at inikot niya ito ng ilang beses bago sila nagtungo sa harap. Ang mga nakatayong "abay" naman ay nakasuot ng formal suit at violet na mga gowns.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Stairway to Heaven, muling magtatagpo sina Cholo (Dingdong) at Jodi/Jena (Rhian) sa isang wedding scene sa mga darating na linggo. Mukhang nagkaka-mabutihan na marahil ang pagsasama ng dalawang dating nagmamahalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento ni Dingdong bago mag-taping, "Yung shooting ngayon is for the fashion show by Sherryn [Karen Delos Reyes] where she is launching her wedding collection. Abangan n'yo na lang yung mangyayari."

Sa katunayan, bukod kay Rhian, may mga babae rin na nakasuot ng iba't ibang estilo ng wedding gown.

Dagdag ni Dingdong, "Habang mas tumatagal na-enjoy ko siya. Nagkakaroon na ng life yung istorya. Kasi parang it started on a very high note na peak ng love story nila ni Jodi. Pero ngayon nag-uumpisa sa light at ligawan stage. Very playful, mas enjoy."

Kuwento pa ni Dingdong, everything he has done for Stairway to Heaven ay naging challenging.

"Hindi siya madali. Because you cannot force that. Ito yung acting na hindi mo puwedeng ituro. It should come naturally. Kahit na sabihin mo na memorize mo yung line, hindi ibig sabihin na magkakaroon ng magic. It's how you deliver it," sabi ni Dingdong.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Focus lang ako kung paano gampanan yung role ko. Even siguro in between takes, I'm still in character para hindi mabitawan. Para consistent. Kasi kapag nagpahinga ako sandali, it's hard to get back into character," dagdag niya.

What does he feel now that he has a new onscreen partner in Rhian Ramos?

"Okay yung working relationship namin. Wala kaming problema coz in order for something to work, nagkakasundo kayo at some point. And yun yung maliwanag sa amin dito. We both like what we are doing. Seryoso tayo dito," sagot ni Dingdong.

Dingdong has his own theory on why he and his leading lady have so much chemistry together on television.

"You will feel truth. You will know kung yung message ng pag-act at portrayal is mararamdaman ng audience. Nagpapasalamat ako sa life experiences kasi 'yan ang nag-inspire sa akin. Kasi that's why I know how to react in certain scenes because it happened to me before."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

He also appreciates what Direk Joyce Bernal has taught him in this drama series.

"Marami akong natutunan sa kanya as a director. Basta in terms of acting, hindi lang siya ka-trabaho pero naging teacher ko siya. Sa pag-aarte, especially dito, ang laki ng influence ni direk Joyce na talagang director siya in everything. Kahit sa pinakamaliit na detalye, siya yung nag-di-direk. Kahit nga may ipis kaya niyang i-direk sa eksena. Tingnan mo yung sa Kimmy Dora, may ipis. Yun yung naging highlight ng film," pabirong sabi ni Dingdong kung saan kasama din siya sa nasabing comedy film.

Assurance lang ni Dingdong sa mga sumusunod sa nasabing show, "Sana lang mas marami pa makapanood. Sana makabalik na yung opportunity sa kanila na makapanood. We are guaranteeing them a good show."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rhian Ramos and Dingdong Dantes showed their dancing skills during a recent taping of Stairway to Heaven in SM North Edsa, Quezon City. This wedding-gown fashion show will be shown in the coming episodes of the GMA-7 show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results