Dinalaw ng
PEP (Philippine Entertainment Portal) ang taping ng Dear Friend titled "Special" sa Sta. Rita, Guiguinto,
Bulacan. Tamang-tama na break sa taping si direk Mark Reyes, kaya
nakausap namin ang tatlong bida ng story: sina JC de Vera, Jewel Mische at Ynna
Asistio.
"Happy
ako, na kinuha ulit ako ng Dear Friend,"
sabi ni JC. "This is not my first time, nakagawa na ako noon with Ryza
Cenon, pero one Sunday lamang iyon. Ito four Sundays kaming
mapapanood. Light love story, drama ito na gumaganap akong si Tyron,
boyfriend ni Yvette (Jewel) at nag-propose na ako ng kasal sa kanya, pero may
twist sa story, dahil bumalik ang sister niyang si Ella (Ynna)."
Ayon kay
JC, masaya siya na may project siya agad after ng Ngayon at Kailanman, at habang hinihintay niyang matapos ng taping
si Rhian Ramos ng Stairway To Heaven,
maggi-guest muna siya sa ibang shows ng GMA-7.
Hindi rin
naman first time ni Jewel na mag-guest sa Dear
Friend.
"Una kong ginawa iyong episode na "Bakasyonista" with Katrina Halili, Alfred Vargas and JC Tiuseco," kuwento ni Jewel. "Sa Dakak Beach Resort sa Dapitan kami nag-location taping.
"Dito, may sister ako, si Ella, na kinalimutan ko nang may kapatid ako
dahil malaki ang kasalanan niya sa akin. Akala ko, masaya na ang buhay ko
sa piling ng boyfriend kong si Tyron, pero bigla nga siyang bumalik sa bahay
namin. Alamin na po lamang ninyo kung bakit ako nagalit sa kapatid ko at
kung mapapatawad ko ba siya," nakangiting sagot ni Jewel nang tanungin
namin kung bakit siya nagalit kay Ella.
"Very challenging ang role ko rito sa 'Special' dahil
semi-retarded ako," wika ni Ynna. "Medyo nahirapan ako sa role ko,
kaya nagpaturo pa ako kay kuya Jay [Aquitania], siya ang naging acting coach
ko, winorkshop niya ako. Natuwa naman ako sa comment ni direk Mark na
para raw akong ipinanganak na retarded talaga. Kaya tuwing magti-take,
hindi na ako nahihiyang umarte."
First time naman ni Ynna na mag-guest sa Dear
Friend. Happy siya na kabilang na siya sa GMA Artist Center at co-managed ng manager niyang si Annabelle Rama. Paano ang nagging arrangement
ngayong nasa cast din siya ng sitcom na George
& Cecil sa ABS-CBN?
"Nang lumipat po ako sa GMA-7, pinayagan nila akong ituloy ko pa rin ang
taping sa George & Cecil with Ate Judy Ann [Santos] and Kuya
Ryan [Agoncillo], maliit po lamang naman ang role ko roon."
SYNOPSIS. Directed by Mark Reyes, the
drama revolves around siblings Yvette (Jewel) and Ella (Ynna). As when
everything in Yvette's life starts to fall into place including a big
marriage proposal from her boyfriend Tyron (JC), things become complicated when
her "special" sister Ella returns to live with her.
Yvette despises Ella. She wants Ella out of her life and does not wish to see her again. But for some reasons, Ella has to stay with her again.
Will Ella once again cause trouble in Yvette's perfect life? How can Yvette handle the demands of living again with her "special" sister Ella? Will Ella's return cause strain in Yvette and Tyron's lovelife? Will she forgive Ella and give their relationship a fresh start?
Magsisimula na ang four-Sunday presentation ng Special tomorrow, October 25, after ng SOP sa GMA-7.