Nagkomento ang US-based radio personality na si DJ Mo Twister tungkol sa naging pahayag ng dati niyang girlfriend na si Rhian Ramos kamakailan.
Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Rhian, nabanggit nitong tapos na ang kasong isinampa niya laban kay Mo, ang R.A. 9262 o ang Anti-Violence Against Women and their Children Act.
Gayundin, mag-iisang taon na raw naaprubahan ng korte ang Temporary Protection Order (TPO) na hiniling ng Kapuso actress laban kay DJ Mo.
Sabi pa niya, “Finished everything. I won. It’s done in my past.”
Read: Rhian Ramos finally open to talking about cases against DJ Mo
Noong Sabado, March 22, nakita ni DJ Mo ang naturang news item sa PEP.
Kasunod nito ay nag-post ang radio host ng kanyang reaksiyon sa Twitter:
It’s a TPO, meaning I don’t have to care for you “to win”…if anything, perhaps ur womb should get a TPO from ur wallet. Make that 2 TPOs.
— Mo Twister (@djmotwister) March 22, 2015
Matatandaang nagsimula ang alitan ng dating magkasintahan ng maglabas ng video si DJ Mo, na naglalaman ng mga mapanirang pahayag tungkol kay Rhian, noong 2011.