PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Miguel Tanfelix welcomes healthy competition in showbiz

Miguel: “Kung walang competition, relax ka lang. Hindi mo magagawa yung best mo... kasi walang nagpapa-pressure sa ‘yo."
by Rose Garcia
Published Jun 1, 2015
Miguel Tanfelix cringes at being described as established. The Kapuso teen star says, "Wala naman talagang established na word sa mundo ng showbiz, lahat ume-enter, lahat ume-exit. Basta ang gawin mo lang, pilitin mong maging established, pero huwag mong ipasok sa utak mo na established ka.”

Nasulit daw ng Kapuso teen actor na si Miguel Tanfelix ang bakasyon kahit marami siyang out-of-town at mall shows at tuluy-tuloy pa rin siya sa dalawang regular shows niya sa GMA Network, ang Ismol Family at Sunday All Stars.

Nang matapos ngang gawin ni Miguel ang primetime series na Once Upon A Kiss, nagkaroon daw siya ng pagkakataong magawa pa rin ang isa sa mga hilig niya—ang wakeboarding.

“Nakapag-wakeboarding po ako sa Lago last Wednesday lang at masaya ako kasi nakasama ko rin si Bianca,” pagtukoy ng teen actor sa loveteam partner niyang si Bianca Umali.

Kahit wala pa silang bagong teleserye ni Bianca, halos sa lahat ng mga schedules nila ay madalas na silang dalawa pa rin ang magkasama.

Pero pati ba naman sa mga personal niyang lakad, tulad ng pagwi-wakeboarding, sila pa rin ang magkasama?

“Friends naman po kasi kami kaya we still keep in touch,” nakangiting sabi ni Miguel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


ESTABLSHED. Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Miguel sa VM Center Mall sa Dinalupihan, Bataan, last week, nalaman naming marami ang humiling na makapunta siya roon para sa opening at blessing ng mall.

Sa motorcade niya sa buong bayan ng Dinalupihan, kilala pa rin siya bilang si Niño at si Prince, mga pangalan niya sa mga primetime series na Niño at Once Upon A Kiss.

Ano ang pakiramdam niya rito?

Sagot ni Miguel, “May feeling of relief kasi alam mong nagawa mo ang best mo, tumatak sa mga tao yung ginawa mong characters.

“Parang yun naman po talaga ang goal, like sa Niño noon, nakakatuwa po kasi nakakapagbigay ng energy.”

Masasabi ba niyang established na siya bilang isa sa top teen actors ng Kapuso network, at gayundin ang loveteam nila ni Bianca?

Sabi ni Miguel, “Ayoko munang sabihin yung term na established baka makampante kami masyado.

“Alam ko, wala naman talagang established na word sa mundo ng showbiz, lahat ume-enter, lahat ume-exit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Basta ang gawin mo lang, pilitin mong maging established, pero huwag mong ipasok sa utak mo na established ka.”


COMPETITION. Masaya naman daw si Miguel para kina Ruru Madrid at Gabbi Garcia, na binibigyan na rin ng tiwala at pagkakataon ng GMA ngayon sa pamamagitan ng primetime series na Let The Love Begin.

Saad niya, “Siguro yung naramdaman ko noong Niño, ganun din ang nararamdaman nila.

“Happy ako for them and sana magtuluy-tuloy rin sila.

“Gawin din nila ang best nila, kasi yun naman talaga ang dapat at saka proud ako kay Ruru.”

Bagamat mas nauna sina Miguel at Bianca na mabigyan ng break, pinagtatapat pa rin ang tambalan nila kina Ruru at Gabbi.

Pahayag ni Miguel tungkol dito, “Sinabi naman po sa akin ng manager ko, handler ko na importante ang competition.

“Kung walang competition, relax ka lang, petiks ka lang.

“Hindi mo magagawa yung gusto mong gawin, yung best mo, kasi walang nagpapa-pressure sa ‘yo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Importante rin kasi yung competition, pero yung healthy competition.

“Gawin mo na lang siguro ang best mo, huwag kang magpapapaapekto."

Dagdag pa ng 16-year-old actor, “Gusto ko itong work na ‘to, masaya ako rito.

“Kapag nagpaapekto ka sa pressure, mahirap po yun.

“Siyempre, napi-pressure rin po ako, pero hindi lang po ako nagpapaapekto.”


BACK TO SCHOOL. Samantala, kahit sinasabi nina Miguel at Bianca na magkaibigan lang sila, may mga naniniwalang may relasyon na sila at ayaw lang daw nilang umamin.

Sabi ni Miguel, “Well, sa totoo lang po, natutuwa kami ni Bianca dahil magkaibigan lang kami, pero napagkakamalan na kami na.

"Nakakatuwa kasi marami ang nagsasabi na bagay, bagay raw kami.

“Nagtatanungan naman kami, 'Bagay ba tayo?'”

Hindi pa ba talaga niya nililigawan si Bianca?

“Hindi pa po,” nakangiting sagot ni Miguel.

Ngayong pasukan, balik-eskuwela na rin daw si Miguel.

College na siya ngayon, pero dahil na rin sa trabaho niya bilang artista, pinili muna niyang mag-homeschooling.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Sa St. Francis home schooling po, pero baka mag-business course muna ako.

“Gusto ko sana Engineering, pero ang kailangan din dun, full-time po.”

Madalas niyang mabanggit na gusto niyang maging piloto. Itutuloy pa ba niya ito?

“Itutuloy ko pa rin po, pero ako na ang magpapaaral sa sarili ko. Mahal po kasi yun kaya mag-iipon muna ko,” sabi ni Miguel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Miguel Tanfelix cringes at being described as established. The Kapuso teen star says, "Wala naman talagang established na word sa mundo ng showbiz, lahat ume-enter, lahat ume-exit. Basta ang gawin mo lang, pilitin mong maging established, pero huwag mong ipasok sa utak mo na established ka.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results