Tila nakalipat na sa kanilang bagong tirahan ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Ayon sa Instagram post ni Gideon Hermosa, ang event designer ng kasal nina Dingdong at Marian, nakita niya ang mag-asawa sa kanilang “new lovely home.”
A day with the Dantes family in their new lovely home:)
A photo posted by Gideon Hermosa (@gideonhermosa) onJun 27, 2015 at 7:36am PDT
Kasunod nito ay nag-post din si Gideon ng kanyang pagbati sa mag-asawa para sa kanilang magiging anak.
Aniya: "Congratulations on having a baby girl! Wish you both and the little princess a life full of smiles :)"
A photo posted by Gideon Hermosa (@gideonhermosa) onJun 27, 2015 at 9:01am PDT
Noong Enero, nakita sina Dingdong at Marian na tila nagha-house hunting sa may Bel-Air Village, Makati City.

Hindi pa sigurado kung ang "new lovely home" na tinutukoy ni Gideon ang bagong bahay na nabanggit noon ni Marian, na binubuo nilang mag-asawa para sa kanilang magiging pamilya.