May posibilidad na triplets ang magiging anak nina Robin Padilla at Mariel Rodriguez.
Ito ay base sa bagong update ni Robin tungkol sa pagbubuntis ng kanyang misis sa Instagram.
Kung noong una ay ipinakilala ni Robin ang kanilang magiging anak bilang sina “Maria at Juan,” ngayon ay naging “Maria, Juan, and Gabriella de Padilla” na ang mga ito.
Kalakip ang panibagong ultrasound photo ni Mariel, ibinahagi ni Robin ang update mula sa kanyang asawa:
“Aug 3,2015 Asian Hospital/Clinic of DRA MANALO - pwede daw maging triplets!!! hahhahaha triplets or twins daw!!! but yung isa sa kanila may heartbeat na!!!
“possibility pa lang yung triplets eh hindi pa sure kasi possible na nagfofold yung isa kaya nagiging 3 pero gulat na gulat si doctora and for the first time nakita ko na kinilig siya sabi niya "the heartbeat made my day",masyado akong masaya!!!!!
“1 has a heartbeat, 1 has a forming fetal pole and 1 has a sac. all iba ibang age. but i have a condition that i have to explain to you later so i will take blood tests. --@marieltpadilla
“maria,juan and gabriela de padilla GOD WILLING maraming maraming maraming salamat po sa lahat ng inyong mga dasal at malalim na suporta kay @organicaholic_mariel.”
Bago ang updates ni Robin tungkol sa pagbubuntis ng asawa, nag-post siya ng larawan kung saan naka-confine ang TV5 host sa Asian Hospital sa Alabang, Muntinlupa.