Claudine Barretto admits past relationship with Eric Fructuoso: “Isa na nga lang, e, nakumpleto ko na yung Gwapings!”

by Arniel C. Serato
Aug 4, 2015
Ginulat ni Claudine Barretto ang mga manonood ng Gandang Gabi Vice nitong nakaraang Linggo, August 2, dahil inamin niyang nakarelasyon din niya si Eric Fructuoso, na kasamahan ng ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez sa Gwapings.

May rebelasyon si Claudine Barretto sa guest appearance niya sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, August 2, tungkol sa isa pang nakarelasyon niya sa showbiz na hindi alam ng marami.

Tanong ng host na si Vice Ganda: “Mula kay Mark Anthony [Fernandez], kay Rico Yan, sino pang naging dyowa mo sa showbiz na hindi namin alam?”

Diretsahang sagot ng tinaguriang Optimum Star: “Si Eric Fructuoso.”

Sabat ni Vice: “E, ‘di ba, barkada ni Mark Anthony [yun]?”

Natatawang sagot ni Claudine: “Oo. Isa na nga lang, e, nakumpleto ko na yung Gwapings!"

Ang Gwapings ay isang sikat na teen group noong early ‘90s na kinabibilangan nina Mark Anthony, Eric, at Jomari Yllana.

Sabi pa ni Vice, ang ganda ni Claudine dahil nagkakandarapa noon ang maraming kababaihan sa Gwapings, pero dalawa sa mga ito ang napasakanya.

Biro pa ni Vice, baka nahiya na lang daw si Jomari na ligawan siya dahil nauna na yung dalawa niyang kabarkada.

Continue reading below ↓

Pero sa huli nga ay ang action star na si Raymart Santiago ang nakatuluyan ni Claudine, na matapos ang ilang taong pagsasama ay nakahiwalayan din nito.

Muling aktibo si Claudine sa showbiz ngayong nakatakda siyang magbabalik-pelikula via Etiquette For Mistresses, kasama sina Kris Aquino, Iza Calzado, at Kim Chiu.

Siyanga pala, sa pagkakaalam ng PEP, mula sa yumaong Douglas Quijano na manager ng Gwapings, mas naunang naging boyfriend ni Claudine Barretto si Eric Fructuoso.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ginulat ni Claudine Barretto ang mga manonood ng Gandang Gabi Vice nitong nakaraang Linggo, August 2, dahil inamin niyang nakarelasyon din niya si Eric Fructuoso, na kasamahan ng ex-boyfriend niyang si Mark Anthony Fernandez sa Gwapings.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results