Muli tayong aaliwin at tatakamin ni Chef Pablo "Boy" Logro sa pinakabago niyang palabas na Kusina Master.
Kung sa Idol Sa Kusina ng GMA News TV Channel 11 ay pinahahanga niya ang manonood sa mga putaheng kanyang inihahanda, dito'y ituturo na niya ang mga sikreto sa pagluluto sa masasarap na mga putaheng ito.
Bawat linggo, isang celebrity co-host at isang celebrity student ang makakasama ni Chef Boy sa pagluluto ng iba't ibang putahe na "mura," "masarap kainin," at "madaling ihanda."
Mapapanood ang Kusina Master sa Enero 2, 2012, Lunes hanggang Biyernes bago mag-Eat Bulaga!.









