PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Victor Basa's character has a violent streak in Romeo at Juliet

The actor is paired with Alessandra de Rossi in this Adolf Alix movie.
by Kate Borbon
Published Mar 26, 2010
Victor Basa (in photo) is paired with Alessandra de Rossi in the Adolf Alix movie Romeo at Juliet .

Mas bongga naman talaga ang role na naibigay this time kay Victor Basa sa indie film na Romeo at Juliet kung ikukumpara sa naunang big break niya sa indie films, Maling Akala, kunsaan umani rin ng papuri si Victor bilang baguhang aktor.


"Very challenging ito, 'cause I haven't come across something like this before," sabi pa ni Victor. "In real life, hindi pa ako tinotopak, or to the point na nakapatay na ako dahil sa pag-ibig. Parang naranasan ko lang 'yan nang gawin ko ang movie."


May impression na na-create si Victor na he's ready for edgy roles sa indie films, na karaniwang hindi matanggap ng mga aktor na gaya niyang mas pursigidong bantayan ang wholesome image.

"I don't think that way kasi," sabi pa niya. "Hindi ko naman iniisip na magpakaaktor na lang talaga. It so happened na may opportunities na ganito, and I'm just lucky. I just grab them and do the best I can.

"Nasa tiwala na 'yan ng audiences. Alam naman siguro nila na iba 'yung pagiging actor doon sa image na dapat lang i-project. I may not be image-conscious, that I make it a point naman to consider the people who want to see me doing good in everything I do, at kailangang wholesome pa rin. Puwede naman yun. I just trust the audiences," dugtong pa ni Victor.

Gumaganap si Victor bilang lalaking sobra kung magmahal, to the point na nang malaman niyang dinaya siya, gumawa siya ng bagay na talagang nakaka-shock. Ito ang matinding elementong dapat abangan ng mga manonood sa Romeo at Juliet na dinirek ni Adolf Alix.

Ang gusto rin lang ni Victor ay naiiba palagi ang nagagawa niya. Kung sa Maling Akala ay isa siyang binabaeng may itinatagong misteryo, ibang klaseng misteryo rin naman ang itinatagong kulo ng character na ginagamapanan niya katambal si Alessandra de Rossi sa Romeo at Juliet.

"Wala naman akong dapat katakutan, basta iniisip ko lang na opportunities ito as an actor, na mas magandang ma-achieve ko rin," sabi niya.

Ang character pa naman niya rito ay may kaibigan na-involve sa sex video na ikinawindang ng kanyang buhay.

"Sa tunay na buhay, may friends ako na gustong ipapanood sa akin ang sex videos nila," kuwento pa ni Victor. "Pero, kahit curious ako, ako na ang tumatanggi. Respeto na rin lang doon sa kaibigan ko, 'cause I feel, those things are really very private na hindi naman dapat isine-share ng ganoon lang sa friends.

"Lalo na kung kakilala ko rin 'yung kasama nila sa video, 'di ba? Ayoko ng ganyan, kaya ako mismo, I won't resort to that para lang ipapanood ko pa sa friends ko, o sa ibang tao," patuloy ni Victor.

Alam ni Victor na sumailalim na sa self-regulation ang Romeo at Juliet. Ang integral version nito ay talaga raw matapang.

"Pero, okey na rin para magkaroon kami ng R-13 rating from the MTRCB," sabi pa niya."Mas importanteng maipalabas ito, makarating din ang message sa mga manonood," pagwawakas niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Victor Basa (in photo) is paired with Alessandra de Rossi in the Adolf Alix movie Romeo at Juliet .
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results