Jennylyn Mercado, Dennis Trillo vacationing together in Amsterdam?

by Rachelle Siazon
Nov 27, 2015
Rumored couple Jennylyn Mercado and Dennis Trillo post solo photos of their trip in Amsterdam.

Tila patuloy ang magandang pagtitinginan sa pagitan ng ex-couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.

Base ito sa kani-kanilang Instagram posts kung saan makikitang pareho silang nagbabakasyon sa Amsterdam, Netherlands.

Unang nagbahagi si Jennylyn ng kanyang solo photo na may hashtag na "#Amsterdam2015" noong Miyerkules, November 25.

Mayroon din siyang larawan kung saan makikita sa background view ang pamosong kanal ng Amsterdam.

IVXX

A photo posted by @dennistrillo onNov 26, 2015 at 1:46am PST

Wala man silang larawan na magkasama sa naturang lugar, kakatwang nagbabakasyon din si Dennis sa parehong tourist destination.

Ngunit kahapon lamang nagsimulang nagbahagi si Dennis ng kanyang mga larawan sa isang coffee shop sa Amsterdam.

Tulad ni Jennylyn ay may kuha rin si Dennis ng pamosong kanal sa Amsterdam.

A photo posted by @dennistrillo onNov 27, 2015 at 12:10am PST


LOW-PROFILE ROMANCE? Sa huling panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Jennylyn, nanatiling mailap ang Kapuso actress pagdating sa usapin ng estado ng relasyon nila ni Dennis.

Ito ay sa kadahilanang natuto raw siyang maging mas maingat pagdating sa kanyang love life.

Continue reading below ↓

Kasabay nito ay mayroong espekulasyong nagkakalabuan na ang dalawa.

Read: Jennylyn Mercado neither confirms nor denies if she's single again: "Sa akin na lang yun."

Ngunit muling nakitang magkasama sina Jennylyn at Dennis na nanood ng concert ni Regine Velasquez sa Solaire Resort and Casino noong November 20.

Look: Jennylyn Mercado & Dennis Trillo pose for picture together at Regine Velasquez’s concert

Ibig sabihin ay nagkikita pa rin sila kahit na nagtapos na ang pinagbidahan nilang Kapuso primetime teleserye na My Faithful Husband noong October 13.

Noong November 20 ay namataan din ang dalawa na nanood ng concert ni Regine Velasquez na Regine at The Theatre sa Solaire.

Sa parte ni Dennis, kahit papaano ay mas bukas ito sa pagbabahagi ng kanyang nararamdaman para kay Jennylyn.

Sa katunayan, kasama pa ni Dennis ang kanyang ama at anak na dumalo sa kaarawan ng anak ni Jennylyn na si Alex Jazz noong August 16.

Continue reading below ↓

Read: Dennis Trillo says there's no awkwardness between him and Jennylyn Mercado's ex-boyfriend Patrick Garcia

Read Next
Read More Stories About
Jennylyn Mercado, Dennis Trillo
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rumored couple Jennylyn Mercado and Dennis Trillo post solo photos of their trip in Amsterdam.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results