Agaw-eksena ang American host-actor na si Steve Harvey sa katatapos lang na Miss Universe 2015, na ginanap sa The AXIS, Las Vegas, Nevada, USA, nitong Biyernes ng gabi, December 20 (December 21 ng umaga sa Pilipinas).
Buhay na buhay ang social media, hindi lang dahil ang Miss Universe ang pinakamalaking beauty pageant sa buong mundo, kundi dahil sa 'major, major mistake' na nagawa ni Harvey, na siya ring main host ng pageant.
Nagkamali kasi ng pag-announce si Harvey sa bagong Miss Universe.
Si Miss Colombia Ariadna Gutierrez ang tinawag niyang bagong Miss Universe, at ang pambato ng Pilipinas na si Pia Alonzo-Wurtzbach ang first runner-up.
Subalit ilang sandali lamang matapos koronahan si Colombia, muling nagsalita sa mic si Harvey upang ituwid ang kanyang pagkamamali.
Ang Philippines ang tunay na Miss Universe 2015, samantalang first runner-up ang Colombia.
Read: Pia Wurtzbach is Miss Universe 2015!
Marami ang nag-comment sa social media na ito raw ang pinaka-dramatic na Miss Universe sa kasaysayan dahil sa pangyayari.
HARVEY APOLOGIZES. Ilang sandali lamang matapos ang kontrobersiyal na pagkakamali ng announcement ng winner, nag-post ng mensahe si Harvey sa kanyang Twitter account.
Humingi ng paumanhin ang 58-year-old host kina Pia at Ariadna dahil sa kanyang “huge mistake.”
“I feel terrible,” tweet pa ni Harvey.
I'd like to apologize wholeheartedly to Miss Colombia & Miss Philippines for my huge mistake. I feel terrible.
— Steve Harvey (@IAmSteveHarvey) December 21, 2015
Humingi rin siya ng sorry sa viewers dahil sa kanyang pagkakamali.
Aniya, “honest mistake” ang nagawa niya.
Sabi pa ni Harvey, “This was a terribly honest human mistake. I am so so regretful.”
Secondly, I'd like to apologize to the viewers at that I disappointed as well. Again it was an honest mistake.
— Steve Harvey (@IAmSteveHarvey) December 21, 2015
I don't want to take away from this amazing night and pageant. As well as the wonderful contestants. They were all amazing.
— Steve Harvey (@IAmSteveHarvey) December 21, 2015
Magkahalo naman ang reaction ng netizens sa pagkakamali ni Harvey: may mga nakauunawa, may mga nagagalit, at may ginawang katatawanan ang kanyang ginawa.
Samantala, sa nauna pang tweet ni Harvey, mali pa ang spelling ng Philippines at Colombia. Binura na ang nasabing tweet.
Si Steve Harvey ay kasalukuyang host ng Celebrity Family Feud sa Amerika.
Nakagawa na rin ng ilang pelikula kagaya ng You Got Served (2004), Love Don’t Cost a Thing (2003), at Fighting Temptations (2003).
Siya rin ang author ng librong Act Like A Lady, Think Like A Man.