Ibinahagi ng Kapamilya actor na si Matt Evans ang pangaganak ng kanyang asawang si Katrina Fariñas sa kanilang ikatlong anak—si Harper Madison.
Ngayong madaling-araw ng Huwebes, January 21, nag-post sa Instagram si Matt ng picture ng pangaganak ng kanyang misis.
Sabi pa ni Matt sa caption, ligtas naman ang kanyang mag-ina na naka-confine sa St. Luke’s Medical Center sa E. Rodriguez, Quezon City.
Sabi ni Matt, “Thank you, Lord. Safe & healthy ang mag ina ko. Meet my bunso, Harper Madison F. Evans.”
Lalaki rin ang panganay ni Matt, si Hayden Tyler; at sinundan ito ng babae niyang anak na si si Hayley Marley.
