Makikipagtapatan na si Angelica Panganiban (bilang Rubi) sa mataray na katauhan ng ina ni Hector (Diether), si Elisa, na ginagampanan ni Coney Reyes. Mapapanood ang kanilang mainit na paghaharap sa ABS-CBN primetime series na Rubi.
Ayon kay Angelica, isang malaking hamon para kanya ang makaharap sa eksena ang mahusay na aktres na si Coney Reyes. "Siyempre po mataas ang respeto ko kay Tita Coney. Hindi naman sa sobrang nahihirapan ako, pero I consider it talaga as a tough challenge sa tuwing nagkakaharap kami sa eksena tapos 'away' scene pa," pahayag ni Angelica.
"Ang bait bait kasi ni Tita Coney. And sa mga 'maldita' scenes namin, namamangha ako kung paano niya nagagawang mag-shift ng emotion ng ganun kabilis," dagdag pa ng aktres.
Mas marami pang maiinit na konprotasyon sa pagitan nina Rubi at Elisa ang ipapalabas sa Rubi, Lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng Kung Tayo'y Magkakalayo sa ABS-CBN.