Isang buwan na ang nakalilipas mula nang matapos ang Metro Manila Film Festival (MMFF) 2015, ngunit hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang pagdinig sa Kongreso ng kontrobersiya kaugnay ng film entry na Honor Thy Father.
Matatandaang idiniskwalipika ng Executive Committee ng MMFF ang Honor They Father, na pinagbidahan ni John Lloyd Cruz at idinirek ni Erik Matti, mula sa Best Picture category dahil diumano sa ilang iregularidad.
Bunsod nito, bumuo ang Kongreso ng technical working group na ang layunin ay ayusin kung anuman ang mali at dapat itama sa pamunuan ng MMFF.
Para kay Dondon Monteverde, isa sa producers ng Honor Thy Father, isa itong magandang hakbang para sa industriya ng pelikulang Pilipino.
Saad niya, “Kami, we went there as parang guest lang, kasi di kami puwedeng maging part ng technical working group, it’s very sensitive.
“We wanted to run on how it supposed to run without anyone meddling so we’re letting them do it na.
“Basically, right now, they’re in the process of forming the new committee, the new Execom [Executive Committee] members, yun na yun, step by step na yun.”
“In-announce sa technical working group meeting na wala na, yung iba nag-resign, yung iba nagsabi na di na sila interesado na mag-join.
“So basically we will see new faces, new ideas, new system—I think a better and more transparent system.”
MULTI-SECTORAL REPRESENTATION. Para kay Dondon, dapat na kumbinasyon ng mga tao sa iba’t ibang sektor sa loob at labas ng industriya ang bubuo sa bagong kumite ng MMFF.
Aniya, “Feeling ko it has to be a combination of all, Execom dapat may kanya-kanyang boses ‘yan,.
“Dapat may boses ng mga producers, boses ng mga taga-theaters.
“Dapat may boses din sa iba, like sa academe or others, para mas maganda, varied ang mga ideas.”
Sang-ayon din ang producer sa mungkahi ng marami na dapat nang ilipat ang MMFF sa mga taga-industriya, mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Saad niya, “Ito lang ang parang naririnig ko sa mga hearings...
“They are really insisting that there’s a law daw that says that all festivals should be handled by FDCP [Film Development Council of the Philippines], both foreign and local.
“There’s no law binding the MMFF to be part of MMDA na right now.
“Yun ang mga lumalabas sa mga hearings na naririnig ko.
“We don’t know, but then, honestly, tayo naman, basta transparent, maganda ang takbo, fair lahat, walang malaki o maliit, at lahat may boses sa festival, then maganda."
Isa sa napag-usapan sa hearings ay ang first day/last day ng ilang pelikula na kalahok sa MMFF na kapag hindi kumita sa opening day ay agad na pinu-pull out sa mga sinehan.
Ayon kay Dondon, “Pinag-usapan yun. Tama naman yun, pinag-usapan ang first day/last day, pero it’s about setting parameters also.
“Kaya nga maganda na may mga boses ang bawat panig para magkarinigan dahil dun magbibigayan.”
CONFLICT OF INTEREST. Isa sa pangalang nabanggit nang paulit-ulit sa mga hearings ay ang isa sa committee members ng MMFF na si Mr. Dominic Du.
Nagkaroon daw ng conflict of interest dahil bahagi ng ExeCom si Mr. Du ngunit pag-aari nito ang Axinite Digicinema Inc., na siyang nag-promote daw ng Walang Forever na nanalong Best Picture at ng Buy Now, Die Later na nanalo namang 2nd Best Picture.
Ang dalawang nasabing pelikula ay iprinodyus ni Atty. Joji Alonso ng Quantum Films.
Lahad ni Dondon, “Sasabihin ko lang kung ano yung na-touch sa hearings.
“Parang nakita yata sa Facebook page ng Axinite Digicinema, dalawang local films lang ang nandun which is pareho kay Joji, Walang Forever and Buy Now, Die Later, lahat puro foreign na.
“Nakalagay naman sa rules, bakit lilitaw yung dalawang pelikula na yun kung di sila connected, di ba?
“One plus one lang yun, but then yun ang lumalabas sa hearing.”
Lalo tuloy nabigyan ng kulay ang pagkaka-disqualify ng Honor Thy Father dahil isa diumano si Mr. Du sa nagsabi sa ibang miyembro ng komite na huwag nang panoorin ang naturang pelikula dahil disqualified na ito sa Best Picture category kahit hindi pa ito alam ng MMDA.
“Di rin maganda yung ginawa nila Dominic Du na wala pa palang official desisyon ang Execom, na-disqualify kami, umiikot na sila and, worst of all, di alam ni Chairman Carlos na ginagawa nila ‘yan. Parang nakakapika,” hinaing niya.
OPTIMISM OVER MMFF MANAGEMENT CHANGES. Sa pagbabagong inaasahang magaganap ngayon sa MMFF, positibo ang pananaw ni Dondon na ngayon ay mananalo na ang mga dapat manalo sa susunod na film festival ng MMFF.
“Siyempre ngayon, sa mga nangyayari ngayon, I’m excited to join again sa festival lalo na bago ang mga mukha.
“Alam natin na magiging fair na contest na ito, parang mas transparent na contest.
“Malinis in a way na pag alam mong mananalo ka, you worked hard hard for it, you earn to get those merits.
“For our part, masaya kami ni Erik [Matti] ngayon kung nasaan ito ngayon, masayang-masaya kami.
“Masaya rin ako para sa mga future filmmakers.
“Kasi right now, kahit malaking kumpanya ka o maliit ka, magkakaroon ka na ng boses sa film festival, any way you join, kaya maganda.
“It’s going to be more exciting, more variety of movies.”
Dagdag ni Dondon, “May mga hearing pa kasi mayroon silang na-discover na iba pang nangyayari sa loob.
“Di ko puwedeng masabing anomaly kasi di pa naman proven, pero siyempre they are out there to ask questions.”