PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Queen Seon Deok doing well in the ratings game, based on AGB data

This GMA-7 show reportedly posted an average rating of 22.5 percent.
Published Jun 8, 2010
Ano ang reaksiyon ni Deokman sa pagtatapat ni Bi-Dam? Abangan sa Koreanovela na Queen Seon Deok na mapapanood gabi-gabi sa GMA-7.

Base sa data ng AGB Nielsen sa Mega Manila households, tinatalo ng Queen Seon Deok ang katapat na programa simula noong May 24. Nakapagtala ang GMA-7 show ng average rating na 22.5 samantalang nakakuha lamang ang katapat na programa ng average rating na 20.8. Ito ay halaw sa report na pinadala ng Corporate Communications department ng Kapuso Network kamakailan sa PEP.

Noong Miyerkules, June 2, ang Koreanovela na Queen Seon Deok ay nagkamit ng rating na 23.7%. Ang percentage na ito ay five points higher kumpara sa kalabang programa (Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010 ng ABS-CBN) na nagtamo ng 18.7%.

Sa linggong ito, makikita ng mga manonood ang pagsagot ng dalawang matinding isyung mag-uungkat sa nakaraan at magpapatakbo sa hinaharap. Una ang tuluyang pagtapat ng damdamin ni Bi-Dam kay Deokman (ang batang Queen Seon Deok) at pangalawa ang tunay na pakay ng misteryosong si Chunchu.

Magkakaharap ang mag-inang si Mi-Shil at Bi-Dam. Bilang ina, mararamdaman ni Mi-Shil ang matamis na pagtingin ng anak sa mortal niyang kalabang si Deokman. Kung patuloy na ihahayag ni Bi-dam ang kanyang wagas na pag-ibig, paano na ang relasyon nilang mag-ina? Isa ba itong pagkukumpirma ng madilim na hinaharap?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, madadagdagan ang maghahangad ng korona sa katauhan ni Chunchu. Ang prinsipeng si Chunchu ay isang palaisipan. Bilang anak ni Cheonmyeong (ang kakambal ni Deokman), maituturing siyang tagapagmana ng korona dahil nagmula din siya sa sagradong pamilya.

Maaaring magbigay-daan si Chunchu sa tiyahing si Deokman upang tuluyang masupil ang kasakiman at kalupitan ni Mi-Shil. Sa kabilang banda, maaring manaig ang ambisyon at paghihiganti dahil kung iisipin, namatay ang ina niyang si Cheonmyeong habang nililigtas si Deokman

Napatawad na nga ba ni Chunchu si Deokman nang sa ganoo'y makapagsibol ng pag-asa sa Silla? O mangibabaw ang paghihiganti papalapit sa matalim na korona?

Ang Queen Seon Deok ay mapapanood Lunes hanggang Huwebes, pagkatapos ng Diva, sa GMA Telebabad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
GMA-7, TV, television
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang reaksiyon ni Deokman sa pagtatapat ni Bi-Dam? Abangan sa Koreanovela na Queen Seon Deok na mapapanood gabi-gabi sa GMA-7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results