PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rekrut captures hardships of soldiers undergoing military training

Film editor Danny Añonuevo shifts to directing for his full-length Cinemalaya entry.
by Mell T. Navarro
Published Jun 18, 2010
Joem Bascon (left) and JM De Guzman (right) are among the soldiers who treat each other as brothers while training for the military. What will they do when the institution that they have sworn to protect becomes the wedge that will tear their brotherhood apart?

Kung noong isang taon sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay napanood sina Joem Bascon sa Sanglaan at JM De Guzman sa Last Supper No. 3, this time, sa ika-anim na taong pagtatanghal ng Cinemalaya, bidang-bida sina Joem at JM sa iisang pelikula. Ito ay ang Rekrut ni Director Danilo Gomez Añonuevo.


Ang nasabing full-length film entry ay kuwento ng buhay at pakikipagkaibigan ng military soldiers. Sa pelikula ay mapapanood nating naka-damit military sina Joem at JM, at nagpagupit pa sila ng military cut hairstyle upang bumagay sa kanilang roles bilang makikisig na mga sundalo.


Tatalakayin ng pelikulang Rekrut kung ano nga ba ang sukatan ng tunay na pakikipagkaibigan? Si Jamir Alura (Joem Bascon) na isang debotong Muslim mula sa Tawi-Tawi at si Lando dela Cruz (JM De Guzman) na isang Kristiyanong lumaki sa Cebu, ay kabilang sa piling-piling grupo ng mga binatang "recruits" na binubuo ng military officers para sa isang classified operation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Ang award-winning actor na si Emilio Garcia ay ginagampanan ang role ni Sgt. Manuel Lapuz, isa sa training officers ng nasabing grupo ng military recruits. Ito ay ang mga kalalakihang nag-a-undergo ng matinding training na susubok sa tibay ng kanilang mga character.


Sa kabila ng mga paghihirap at challenges na ito, isinantabi nina Jamir at Lando ang pagkakaroon nila ng magkaibang relihiyon at eventually ay naging magkaibigan pa sila. But what happens when the institution they have sworn to protect becomes the wedge that will tear their brotherhood apart?


CAST MEMBERS.
Maliban kina Joem, JM, at Emilio, ang iba pang nasa cast ay ang "rekruts" themselves sa katauhan nina Alwyn Uytingco (bilang Ben Ismael), Dominic Roco (as Omar Mahadin), Alchris Galura (bilang Ulfi Manjanay), CJ Ramos (Ghani Ahmad), at Manuel Chua Jr. ng Pinoy Fear Factor (as Nikanor Tuglao).


Nasa pelikula rin sina Archi Adamos (as Col. Mariano) at Rob Sy ng Survivor Philippines: Palau (as Waldo Palaypay). Si Maxene Magalona naman ay gaganap bilang asawa ni Joem at si Rich Asuncion ay ang girlfriend ni JM. Also in the cast are Nar Cabico, Acey Aguilar, Meko Buenaventura, Eduardo Orgel, Jr., Dyomar Dyangco.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Kapansin-pansin na sa credits ng Rekrut, ginamit ni Direk Danny ang buo at totoong pangalan niyang Danilo Gomez Añonuevo as writer-producer-director, pero bilang editor ng pelikula, maintained ang Danny Anonuevo.


Sa trailer ng Rekrut, may full butt exposures ang buong grupo ng soldiers, habang papunta ng beach upang maligo! Hindi marahil nailang maghubad ang actors dahil kailangan ito sa eksena.


DIRECTOR'S PROFILE.
Noong 1980s pa nang magsimulang magtrabaho sa movie industry si Danny Añonuevo bilang sound technician at mixer in Sampaguita Pictures nu'ng dekadang 'yun. Ipinagpatuloy nito ang career sa post production ng pelikula nang magtrabaho siya sa Unitel Productions noong 1989. Hanggang sa mabilis siyang na-promote bilang Senior Editor ng nasabing kumpanya.


Sa kanyang 15 taong pagtatrabaho bilang TV commercial editor, nagwagi si Danny ng maraming karangalan mula sa prestihiyosong Advertising Congress (Ad Congress), pati na sa Asian Advertising Awards.


Taong 2000 nang i-edit nito ang first full-length film niya na Crying Ladies (starring Sharon Cuneta, Hilda Koronel), at mula noon ay nakapagtrabaho na bilang film editor sa labing-apat na pelikula, kabilang ditto ang movies mula sa malalaking film outfits tulad ng Viva Films, Star Cinema, etc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Noong 2004, nagsimula siyang magdirek ng music videos, gayundin ng corporate videos. At sa taong ding 'yun niya binuksan ang sarili nitong post-production house, ang Editcube Digital Studios.


Six years later, ngayong 2010, ay film company na ang kanyang Editcube Digital Studios. Sinuwerte ang Rekrut script nila ng co-sreenwriter niyang si Gerry Gracio upang mapili among over a hundred scripts na isinumite sa Cinemalaya.


Production Staff:

Producer/ Director: Danilo Gomez Añonuevo

Executive Producer: Tess Añonuevo

Line Producer: Krisma Pajardo

Directors of Photography: Gary Gardoce and Tom Redoble

Editor: Danny Añonuevo

Screenwriters: Danilo Gomez Añonuevo and Gerry Gracio

Production Designer: Dante Nico Garcia

Fight Supervision: Kim Tumibay

Effects Supervision: Renato "Bibe" Deang

Assistant Director: Lawrence Fajardo

Second Assistant Director: Heather Europa

Sound Designer: Albert Michael Idioma


Sa panayam ng Philippine Entertainment Portal (PEP) kay Direk Danny ilang araw bago ang naganap ang presscon ng Cinemalaya 2010 sa CCP recently, tinanong namin siya tungkol sa background o origin ng paggawa niya ng materyal na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Lahad ni Direk Danny: "Marami tayong magagandang pelikula na drama, comedy, horror, love story, at kung ano-ano pa. Pero, kung papansinin natin ay unti-unti nang nawawala ang action films sa Pilipinas.


"Kaya nang sinubukan kong sumali sa Cinemalaya [last year, sa pag-submit ng script], ay nag-isip ako ng kuwento na may pagka-action, pero may drama pa rin at emosyonal. Dito nabuo ang Rekrut."


"Ito ay kuwento ng mga kabataan na sumama sa pagsasanay para maging sundalo. Maraming aral ang mapupulot sa pelikulang ito, lalung-lalo na ang mga kabataan."


Ipinagmamalaki rin ni Direk Danny ang kanilang location.


"Magaganda rin ang aming location. Siniguro ko na bago at angkop sa aking kuwento ang mga lugar na makikita sa pelikula."


Paano niya nabuo ang kanyang lead cast, bukod pa sa pag-audition ng ilan?

"Noong una ay maliit lang ang mga kasali sa pelikula ko. Pero nang malaman nilang may pagka-action ang ginagawa ko, marami sa aking mga kaibigan ang nag-alok ng kanilang mga tulong lalo na ang aking maybahay na si Tess Añonuevo na siyang katulong ko sa production.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Ganon din sa mga artista, dapat ay dalawa lang ang kukunin kong lead, pero marami ang gustong sumama kaya nahirapan ako sa pagpili sa kanila," kuwento ni Direk Danny.


Ayon pa sa sinasabing "new-breed" filmmaker, wala itong itulak-kabigin sa kanyang actors na matinding passion and dedication in acting ang ipinamalas sa pelikula.

"Lahat ng mga kasama ko sa pelikulang ito ay pawang magagaling at madaling kausapin. Mula sa pinakamalaking artista hanggang sa taga timpla ng kape.


"Si Emilio, sobrang professional. Ginagawa niya ang lahat, mapaganda lang ang movie. Si Joem, hindi malaki ang ulo. Gusto niya, pantay-pantay lahat sa cast.


"Si JM, madaling katrabaho. Lahat naman ng mga kasama sa cast ay madaling nag-blend. Hindi sila nagsasapawan at masunurin sa director."


Gaano kahirap gumawa ng indie film sa kauna-unahang pagkakataon, lalo na't Cinemalaya entry at ang pressure dito ay pagbuo ng quality end product na ilalaban sa ibang entries sa Awards Night at the end of the filmfest?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


"Mahirap gumawa ng pelikulang indie, pero kapag ito ay pinagtulung-tulungan at pinaghandaang mabuti, tayo ay makakagawa ng isang maganda at maipagmamalaking pelikula," sabi ni Direk Danny.



AWARDS.
As film editor, hindi matatawaran ang galing ng isang Danny Añonuevo. Pagpapatunay nito ang iba't ibang awards and recognitions na nakuha na niya from different award-giving bodies.


Noong 2004, na-nominate siya sa Gawad Urian Awards for his work in Crying Ladies (2003, Sharon Cuneta). December 2008 nang nanalo siya as Best Editor for Baler (Jericho Rosales-Anne Curtis) sa Metro Manila Film Festival Philippines '08.


Taong 2009 naman nang mamayagpag siya sa awards for his 2008 movies: Ploning ni Judy Ann Santos (nominations from both Gawad Urian Awards at FAMAS Awards); Baler (winner sa PMPC Star Awards for Movies at sa FAMAS).


Puwera pa dito ang mga pagkilalang ipinagkaloob sa kanya ng Gawad Tanglaw at Pasado Awards through the years.


Ano ba ang feeling ngayon niya ngayong direktor na siya ng pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"As new director, mixed emotions ang nararamaman ko," pag-amin ni Direk Danny. "Hindi ko kasi alam ang mga darating na problema during the shoot.


"Siyempre, sa kamay ko nakasalalay ang takbo ng production, kaya naman super ang planning na ginawa ko para mapaganda ang takbo ng shoot."


May advantage ba ang mga film editor na eventually ay nagiging filmmaker—tulad niya at ni Direk Joyce Bernal?


"Siguro, oo, may advantage ang pagiging editor at writer ko, kaya madali kong nagawan ng paraan ang mga problema sa shoot. Nag-bonding ang actors ko dito, kaya sa kabila ng ilang problema, tuluy-tuloy ang shooting. Sana, magustuhan ng mga tao ang pinaghirapan namin," pagtatapos ni Direk Danny.


Ang 6th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival ay gaganapin mula July 9-18, 2010 sa Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Pasay City. Immediately after that schedule ay dadalhin naman ang mga pelikula sa UP Diliman, Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
indie, Cinemalaya
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joem Bascon (left) and JM De Guzman (right) are among the soldiers who treat each other as brothers while training for the military. What will they do when the institution that they have sworn to protect becomes the wedge that will tear their brotherhood apart?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results