Min Bernardo learns to ignore bashers of daughter Kathryn

by Melba R. Llanera
May 16, 2016
"'Pag pinatulan natin, walang mangyayari, hahaba lang. Hahaba lang siya nang hahaba," says Min Bernardo about her daughter Kathryn's online bashers.

Bilang isang ina, hindi itinago ni Min Bernardo na naaapektuhan siya sa pamba-bash na ginagawa sa anak na si Kathryn Bernardo. 

Naging madalas na biktima ng pamba-bash sa social media nung nakaraang eleksyon sina Kathryn at ang kaparehang si Daniel Padilla dahil sa suportang ibinigay ng mga ito sa presidential candidate noon na si Mar Roxas.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Mommy Min (tawag sa kanya within showbiz) sa nakaraang Mother’s Day event ng Lifestyle Channel at Working Mom sa UP Sunken Garden kahapon, May 15, inamin niya na nasasaktan siya sa nababasa niyang pam-bash sa bunsong anak.

“Of course naman, ikaw nga i-bash ang anak mo ng kung anu-ano, ‘di ba? Sino bang magulang ang matutuwa?” tanong ni Mommy Min.

“Huwag na lang basahin ni Kath, ako na lang ang bumabasa. At least alam ko kung ano ang bina-bash nila which is lahat naman.

Continue reading below ↓

“’Pag pinatulan natin, walang mangyayari, hahaba lang. Hahaba lang siya nang hahaba.

“Kaya kami, also Karla [Estrada, Daniel’s mom], ‘di kami pumapatol ngayon. Wala kaming sinasabi para magsawa lang sila.”

Supportive na nanay si Mommy Min. Katunayan nang hingin na makasama siya sa cover ng nabanggit na magazine, nagpaunlak naman siya.

Pero katulad ng ibang mag-ina, may mga panahon din na may hindi pagkakaunawaan sina Kath at Mommy Min.

“Minsan may pag-aaway, hindi naman maiiwasan yun. Normal yun. Ang masasabi ko lang, ako panalo lagi sa kanya,” banggit ng ina ng young actress.

NO MEETING YET ABOUT KISSING SCENE. Aalis patungong Spain sina Kathryn at Daniel para sa shooting ng pelikulang pagtatambalan nila sa ilalim ng direksyon ni Olivia Lamasan. Kinumpirma naman ni Mommy Min na kasama siya sa biyahe.

 “Of course naman kasama ako. We’re so excited nung nalaman namin yung story. Lahat naman excited na maumpisahan na,” aniya pa.

Continue reading below ↓

Sa nakaraang storycon ng naturang pelikula ay natanong kung dito na ba mapapanood ang matagal nang hinihintay na kissing scene nina Kath at Daniel.

Tinanong namin si Mommy Min kung aprubado ba sa kanya kung may ganitong eksena sa pelikula.

 “Wala pa kaming meeting, wala pang sinasabi sa amin na may kissing scene. It depends on the story kung talagang kailangan, pero depende pa rin sa Star Magic, kay Karla and depende sa mapagmi-meeting-an namin.”

Ibinida rin ni Mommy Min ang extended Mother’s Day celebration para sa kanya ng anak.  

“Tomorrow iko-continue namin yun, for three days. Nabago nang kaunti yung schedule. So mayroong almost three days. Wednesday may trabaho nang kaunti so sasagarin namin.”

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"'Pag pinatulan natin, walang mangyayari, hahaba lang. Hahaba lang siya nang hahaba," says Min Bernardo about her daughter Kathryn's online bashers.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results