Daniel Padilla loses his cool while performing in Isabela

by Nerisa Almo
Jun 2, 2016
Videos of Daniel Padilla getting mad at a concertgoer during his show in Isabela is currently making rounds on social media.

Usap-usapan ngayon sa social media ang video kung saan makikitang tila na-bad trip ang Kapamilya star na si Daniel Padilla sa ilang nanonood ng show niya sa Ilagan City Sports Complex, sa Isabela, noong May 30.

Habang kumakanta ng “Hinahanap-Hanap Kita,” mapapansing tila nakuha ang atensiyon ng tinaguriang Teen King ng mga manonood na nasa kaliwang bahagi ng stage.

Agad itong sinabi ni Daniel sa isang staff na nasa stage, at tila inutos na puntahan ang naging dahilan ng kanyang pagkaka-distract sa pagpe-perform.

Sa video, maririnig pang sinabi ni Daniel, “O ano, nasaan na kayo?”

Nang magpatuloy na siya sa pagpe-perform, hindi napigilan ni Daniel na sabihin, habang hawak ang microphone, “Gago pala.”

Agad namang humingi ng paumanhin sa audience si Daniel: “Pasensiya na.”

Hindi malinaw kung ano ang naging dahilan ng pagka-bad trip ni Daniel sa mga naturang manonood ng show.

Pero base sa isang pang nag-upload ng video, may sumigaw raw ng “shut up ka na lang” at nagbigay ng middle finger sa Kapamilya actor.

Continue reading below ↓

Posibleng may kinalaman ito sa naging pahayag noon ni Daniel nung kasagsagan ng pagkampanya niya para kay Mar Roxas.

Read: Daniel Padilla: 'Tingin ko kay Kuya Mar, parang martir.'

Sinusubukan ng PEP.ph na hingan ng pahayag si Daniel tungkol dito sa pamamagitan ng Star Magic.

Samantala, hati naman ang reaksiyon ng mga netizen sa naging asal ng aktor. Narito ang ilang sa mga ito:

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Daniel Padilla
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Videos of Daniel Padilla getting mad at a concertgoer during his show in Isabela is currently making rounds on social media.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results