Kinoronahan na ang bagong Miss Philippines Earth 2016.
Forty-six candidates mula sa Pilipinas at sa iba’t ibang panig ng mundo ang naglalaban-laban sa limang titulo na Miss Earth Philippines 2016, Miss Earth Philippines–Air, Miss Earth Philippines-EcoTourism, Miss Philippines Earth-Fire, at Miss Philippines Earth-Water.
Ang tinanghal na Miss Philippines Earth 2016 ay si Imelda Schweighart mula sa Puerto Princesa, Palawan.

Ang naging mahigpit niyang kalaban ay ang kandidata mula sa London na si Kiara Giel Gregorio na kinoronahan namang Miss Philippines Earth-Air.

Ang tinanghal na Miss Philippines Earth-Water ay si Loren Mar Atajos ng Laoag City.

Ang Miss Philippines Earth-Fire naman ay si Shannon Rebecca Bridgman mula sa Rosales, Pangasinan.

Nagwagi namang Miss Philippines Earth-EcoTourism si Melanie Mader mula Vienna, Austria.

Ginanap ang coronation night sa UP Theater, Diliman, Quezon City.
Dapat sana ay ang Aguinaldo Shrine sa Kawit, Cavite ang venue lalo pa't ipagdiriwang ang Independence Day bukas, June 12, pero hindi ito natuloy dahil sa unpredictable weather.
Si Robi Domingo ang nagsilbing host.
Ang mga nakatanggap naman ng special awards ay ang sumusunod:
Eco-video Award: Quezon City
Eco-warrior Award: Lobo, Batangas
Community Project Award: Muntinlupa City
Miss SM City Market: City of Alaminos, Pangasinan
Miss Hana 2016: London
Best Terno Award (Long Gown): Jolo, Sulu
Pasok naman sa Top 12 ng pageant sina:
- Charinna Barro ng Cagayan de Oro
- Athena Mari Jamaica Catriz ng City of San Pedro, Laguna
- Jessica Zevenbergen ng Murica, Negros Occidental
- Loren Mar Artajos ng Laoag City
- Melanie Mader ng Vienna, Austria
- Joanna Rose Tolledo ng Caloocan City
- Maria Fatima Al-sowyed ng Dumaguete City
- Imelda Schweighart ng Puerto Princesa, Palawan
- Kiara Giel Gregorio ng London
- Zamboanga City, Bellatrix Tan
- Shannon Rebecca Bridgman Rosales, Pangasinan
- Krissandra Marie Abel ng Lobo, Batangas
Photos lifted from Facebook accounts of winners except for Melanie's which was lifted from MissPhilippinesEarth.com.
