Zuma star Max Laurel passes away at 71

by Erwin Santiago
Jun 15, 2016
Zuma actor Max Laurel passed away last June 11, Saturday, due to cardiac arrest. He was 71 years old.

Pumanaw na ang character actor at dating bodybuilder na si Max Laurel dahil sa cardiac arrest noong Sabado, June 11.

Siya ay 71 years old.

Si Max ang orihinal na gumanap sa sikat na komiks character na Zuma sa mga pelikulang Zuma (1985) at Anak Ni Zuma (1987).

Noong 2013 ay gumawa ng TV series ang ABS-CBN na may pamagat na Galema: Anak Ni Zuma kung saan si Andi Eigenmann ang bida.

Continue reading below ↓

Ang role na Zuma ay ginampanan naman ng modelong si Derick Hubalde, anak ng dating PBA player na si Freddie Hubalde.

Dahil na rin sa kanyang katangkaran, madalas na gumanap na kontrabida si Max sa action movies.

Ilan sa mga pelikulang tinampukan niya ay ang mga sumusunod: Durugin Si Totoy Bato (1979), Ang Panday (1980), Ang Maestro (1981), Tatlong Baraha (1981), D' Wild Wild Weng (1982), Mad Warrior (1984), Sgt. Clarin: Bala Para Sa Ulo Mo (1990), Lucio Margallo (1992), Dugo ng Panday (1993), Aguinaldo (1993), Asero (1995), at Bitag (1996).

Continue reading below ↓

Ayon sa dating sexy star na si Hanni Miller, nakaburol ang mga labi ni Max sa La Funeraria Paz sa Araneta Avenue, Quezon City.

Bukas, June 16, nakatakdang ihatid sa kanyang huling hantungan si Max sa La Loma Cemetery, sa may Caloocan City.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zuma actor Max Laurel passed away last June 11, Saturday, due to cardiac arrest. He was 71 years old.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results