Sina Gretchen Barretto, Iza Calzado, Lotlot
de Leon at JM de Guzman ang ilan sa mga artista na dumalo sa gabi ng parangal
ng academe based award giving body na Gawad PASADO.
Taun-taon ay nagbibigay ng parangal ang Pampelikulang Samahan ng mga Dalubguro sa
mga bukod-tanging pelikula at artistang nagbigay ng kanilang galing at talent sa
larangan ng pag-akting. Ang 17th edition ng Gawad PASADO ay ginanap sa auditorium
ng San Sebastian College, Recoletos Manila kagabi, April 11, 2015.

























