Pumanaw na ang dating actress-singer na si Dinah Dominguez dahil sa heart attack nitong Biyernes ng gabi, October 14.
Si Dinah, na nakilala sa bansag na 'Piranha Queen' at 'Disco Punk Queen', ang ina ng dati ring singer-actress na si Champagne Morales.
Sa Facebook account ni Dinah ay umapaw ang pakikiramay mula sa mga kamag-anak at kaibigan.
Si Dinah ay nagsimula sa showbiz noong late '70s, at karamihan ng mga pelikulang nilabasan niya ay action films: Boy Apache (1978), Mantis Boxer (1979), Labas Sa Batas (1982), Magindanao (1982), Ang Paghihiganti Ni David Burdado (1983), Anino Ni David Crusado (1985), Jabidah Massacre (1990), at ang international film na McBain (1991).
Ang huling pelikulang nilabasan niya ay ang Lapu-Lapu (2000) na pinagbidahan ni Lito Lapid.
Isa rin siyang recording artist at nakilala bilang 'Disco Punk Queen.'
Binansagan din siyang 'Piranha Queen' dahil sa pag-aalaga niya noon ng mapanganib na uri ng isda.
PEP Live
