Chito Miranda approves of Paul Jake Castillo for ex-girlfriend Kaye Abad

by Rose Garcia
Oct 26, 2016
Chito Miranda on ex-girlfriend Kaye Abad: "Okey naman kami, e. It wasn’t dramatic-teleserye breakup, it was very uneventful."

Boto raw si Chito Miranda sa mapapangasawa ng ex-girlfriend niyang si Kaye Abad na si Paul Jake Castillo.

Kuwento ng bokalista ng Parokya Ni Edgar, “Even before na maging sila ni Paul Jake, nag-usap pa kami.

“Sabi ko sa kanya, boto ako kay Paul Jake.

“Sobrang close talaga sila and, ever since, I felt they have this connection.

“So, nung nagkita kami sa MYX, kaka-break lang yata niya.

“Sabi ko, ‘Sino ang boyfriend mo?’

“Sabi niya, ‘Wala nga, e.’

“Sabi ko, ‘Alam mo kung kanino ako boto, kay Paul Jake.’

“Tapos, tumawa siya.”

Patuloy niya, “Noong magpunta ako sa house nila, kasama ko sila Jay, we’re editing a music video, dumating siya, kasama niya si Paul Jake.

“Sabi ko, ‘Kayo na? I’m happy.’

“And I’m really happy for her.”

Continue reading below ↓

Ang tinutukoy ni Chito na Jay ay si Jay Contreras ng bandang Kamikazee.

Ang misis ni Jay na si Sarah Abad ay kapatid ni Kaye.

WISH FOR KAYE. May wedding wish ba siya para kay Kaye?

Ayon kay Chito, “Sana magawa nila lahat ng dreams nila at magkaroon din sila ng family, yun talaga ang gusto ko.

“Kasi, one of the regrets that I had, matanda na ako nang magkaroon ng baby.

“Na sana pala, noong 20 years old ako, nag-baby na ko, parang ganun. Para ma-experience ko yun.

“But, I think, perfect time ngayon.

“So I’m really excited na sana magkaroon na rin sila ng baby, and I’m glad na ikakasal na sila.”

Hindi raw nawala ang pagkakaibigan nila ni Kaye, kahit noong kasagsagan pa ng breakup nila.

Sabi ni Chito, “Okey naman kami, e.

“It wasn’t dramatic-teleserye breakup, it was very uneventful.”

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Chito Miranda on ex-girlfriend Kaye Abad: "Okey naman kami, e. It wasn’t dramatic-teleserye breakup, it was very uneventful."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results