PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Denise Laurel and Rafael Rosell heat up the small screen via Midnight Phantom

This afternoon series is now on its last two weeks on ABS-CBN.
Published Aug 3, 2010
The characters of Denise Laurel and Rafael Rosell have steamy scenes in the so-called Phantom Island. ABS-CBN's afternoon series, Midnight Phantom, is now on its last two weeks on ABS-CBN.

Nasa huling dalawang linggo ng pag-ere sa ABS-CBN ang afternoon drama series na Precious Hearts Romances (PHR) presents Martha Cecilia's Midnight Phantom. Ayon sa Kantar Media/TNS national TV ratings noong nakaraang linggo, pinataob ng Midnight Phantom ang katapat nitong programa, ang Hole in the Wall ng GMA-7, mula Lunes hanggang Huwebes. Base sa pinakahuling datos, nagkaroon ito ng 17.6% na rating laban sa katapat nitong nakakuha lamang ng 11%.

Sinasabing ang sikreto sa pagtanggap ng publiko sa Midnight Phantom ay ang maiiinit na eksena sa pagitan ng mga bida nitong sina Rafael Rosell, Denise Laurel at maging ng nagbabalik-telebisyong si Ina Raymundo. Sinundan ng mga manonood ang mga karakter nila na sina Brandon (Rafael), Nadja (Denise) at Anya (Ina).


At kung gaano na ka-close ang kanilang mga karakter sa istorya, tila mabilis na ring nagkakalapit sina Raf at Denise maging sa likod ng kamera.


Sa isang interview kina Raf at Denise, kapwa sila umaming mas malapit na nga sila sa isa't-isa lalo pa ngayong magkakasunod ang TV projects nila sa PHR. Kwento ni Raf, kahit hindi sila magkasama, nakakausap pa rin sila. "We always keep in touch kahit walang trabaho. We tweet a lot, we text a lot, we regularly send BBM [BlackBerry Messenger] messages. We check on each other making sure na ni isa sa amin walang sakit para tuloy-tuloy ang trabaho namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Ayon naman kay Denise itinuturing niyang espesyal ang bawat araw kasama si Raf at maging ang staff ng Midnight Phantom. "Raf and I had been hanging out for a long time, including the staff. Bud Brothers pa lang. Everyday is a special bonding day. There was a time, we were at the beach and we got wet in the rain. Then our boat got stuck sa ocean, and we had to paddle back to the shore. After that, we went cannonballing to the pool, laughing, screaming and having fun. It's more than just work."


Sa halos araw-araw na pagsasama sa trabaho, lumalalim na nga ang samahan nina Raf at Denise, na "Boogie" ang petnames sa isa't isa. Ayon sa hunk actor, naa-appreciate niya ang pagkamaalaga ng ka-loveteam. "I found out that she's a very very caring person. Lagi niya akong inaalagaan."


Pahayag naman ni Denise tungkol kay Raf, "I learned that he loves his family so much. His family is here but he can't see them. There's a struggle of wanting to be professional but at the same time being with his loved ones. For me, that's very important."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!


Tulad nina Raf at Denise, hindi na rin maikakaila ang kakaibang relasyon ng mga karakter nilang sina Brandon at Nadja. Sa pagpapatuloy ng kwento ng Midnight Phantom, nagtagumpay na si Brandon na mapasama si Nadja sa kanya patungong Phantom Island. Bilang bahagi ng kanyang planong paghihiganti laban kay Anya, nagawa ni Brandon na paibigin ang dalaga at tuluyang maangkin ito.


Sa pagkawala ni Nadja, higit na nabahala si Anya nang madiskubre nito na ang lalaking kinahuhumalingan ng anak ay ang kanyang dating kasintahan na nasira ang mukha at ang buhay dahil sa kanya.


Sa paglabas ng madilim nilang nakaraan, anong gagawin ni Anya upang mapatawad ng dalawang taong nasaktan niya? Matatanggap ba ni Nadja na ang kinilala niyang mabuting ina ay may minahal na iba bukod sa kanyang ama? Maging masaya na kaya si Brandon sa pagkakasira ng mag-ina o mas gaganahan pa siyang wasakin ang relasyon nila?

Halaw sa obra ng batikang pocketbook writer na si Martha Cecilia at sa ilalim ng direksyon ng box office director na si Cathy Garcia-Molina, kasama rin sa PHR presents Martha Cecilia's Midnight Phantom sina JM de Guzman, Charee Pineda, Jommy Teotico, Hansen Nichols, Spanky Manikan, Beverly Salviejo at Cris Villanueva.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓


Pakatutukan ang huling dalawang linggo ng pocketbook novel-turned-TV series, ang PHR presents Martha Cecilia's Midnight Phantom, araw-araw sa ABS-CBN Hapontastic tuwing 5:30 ng hapon pagkatapos ng Panahon 'Ko 'To.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The characters of Denise Laurel and Rafael Rosell have steamy scenes in the so-called Phantom Island. ABS-CBN's afternoon series, Midnight Phantom, is now on its last two weeks on ABS-CBN.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results