Tumitindi na ang mga eksena sa huling linggo ng Precious Hearts Romances (PHR) presents Martha Cecilia's Midnight Phantom na pinagbibidahan nina Brandon (Rafael Rosell), Nadja (Denise Laurel), at Anya (Ina Raymundo).
Sa nalalapit na pagtatapos ng Midnight Phantom, di maitago ni Denise Laurel ang magkahalong saya at lungkot. "I'll miss the jokes, the camaraderie, the people here, the atmosphere, how people strive to be the best to make the show good. We don't care if we go beyond hours, we don't care if we're getting sick. We just want to make it the best."
Dahil naman sa ilang linggong pagsasama, marami namang natuklasan si Rafael tungkol sa ka-love team na si Denise. Noon, kapatid lang ang turing niya kay Denise pero nang mas makilala ito ay nagbago ang pagtingin dito. "I never thought na magki-click kami. She thinks maturely for her age. She is super malambing and all guys would envy me; being her love-team partner. She can feel me, She knows when I'm going through something. She knows if I'm worried about something."
Ibinuking naman ni JM De Guzman na gumanap sa karakter na bestfriend ni Brandon ang kanyang obserbasyon kay Raf at Denise. Ayon sa kanya "Hindi lang sila colleagues, may pinagsamahan talaga, parang dalawang bata na matagal nang magkakilala. Yung komportable talaga sila sa isa't isa."
Sa huling mga eksena, alamin natin kung anong insidente ang gigising sa damdamin ng isang karakter. Si Anya ba ito na ilalahad na ang kanyang mga sikreto? Si Brandon na magigising na sa mala-bangungot na nakaraan nila ni Anya? O ito ba ay si Nadja na tuluyan nang lalayo kay Brandon?
Halaw sa obra ng batikang pocketbook writer na si Martha Cecilia at sa ilalim ng direksyon ng box office director na si Cathy Garcia-Molina, kasama rin sa PHR presents Martha Cecilia's Midnight Phantom sina Charee Pineda, Jommy Teotico, Spanky Manikan, Beverly Salviejo at Cris Villanueva.
Ang pocketbook novel turned TV series na ito ay napapanood araw-araw sa ABS-CBN Hapontastic, tuwing 5:30 ng hapon, pagkatapos ng Panahon 'Ko 'To.
Matatapos man ang Midnight Phantom, mapapanood naman sina Rafael at Denise sa Martha Cecilia's Kristine. Pinagbibidahan nina Cristine Reyes at Zanjoe Marudo at sa direksyon ni Rory Quintos, mapapanood na ang bagong serye sa ABS-CBN Primetime Bida simula August 16.