Isang emotional birthday celebration ang matatanggap ni Carmina Villarroel sa kanyang morning show sa GMA-7, ang Love ni Mister, Love ni Misis. Panoorin ang first part ng kanyang birthday celebration ngayong Lunes, August 16.
Sa two-part episode na ito, makakasama ni Carmina at ni Zoren Legaspi ang kanilang mga anak na sina Maverick and Cassandra. Mag-aalaay ng kanta ang mga kambal na anak nila at may kasama pangsulat na magpapa-antig sa damdamin ng kanilang nanay.
Kasalo rin ang dating co-hosts ni Carmina sa SIS na sina Janice de Belen Gelli de Belen. May mga baon ding kuwento at sorpresa ang mga non-showbiz friends ni Carmina.
Ang iba pang guests niya sa espesyal na araw na ito sina Ara Mina, Francine Prieto, John Feir at Mike Pekto Nacua.
Mapapanood ang Love ni Mister, Love ni Misis tuwing umaga, Lunes hanggang Biyernes, sa GMA-7.