Naghanda ang Star Cinema ng red-carpet screening para sa Bwakaw noong Huwebes ng gabi, August 30, sa Cinema 1 ng SM Megamall. Ang indie film—na co-produced ng Cinemalaya, Tony Tuviera, at TV5—ay bibigyan ng commercial release ng Star Cinema simula September 5, 2012.
Ang Bwakaw ay tungkol sa isang matandang bakla na hindi makaamin ng kanyang kasarian, at namuhay na kasakasama lamang ng kanyang matapat na aso, si Bwakaw. Pinangungunahan ang cast ni Eddie Garcia, sa pelikulang isinulat at idinirehe ni Jun Lana.














