Kim Domingo not giving up search for biological dad

by Ruel J. Mendoza
Apr 16, 2017
Kim Domingo remains unfazed in her quest to find her biological dad: "Doon naman kasi sa photo na meron si Mommy, may edad na rin yung father ko. I think he was already in his 60s noong magkakilala at magbuntis si mommy sa akin. E, 22 years old na ako. So he's mga 80-plus na ngayon. Ang sa akin lang naman, gusto ko lang malaman kung buhay pa ba siya. Hindi pa naman ako naggi-give up, at sana one day, if he's till alive, makilala ko siya."

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang Kapuso sexy actress na si Kim Domingo na mahahanap niya ang kanyang biological dad.

Isang Frenchman ang ama ni Kim na nagngangalang Gy Belleville.

Sinubukan na raw ng tinaguriang "Pantasya ng Bayan" ang lahat ng paraan para mahanap ito gamit ang social media.

Pero sa kasamaang-palad ay wala pa rin daw siyang lead kung nasaan o kung buhay pa ba ang biological father niya.

Hindi raw nakilala ni Kim ang kanyang tunay na ama.

Noong ipagbuntis siya ng kanyang inang si Fina Domingo, doon daw ito biglang umalis.

Tanging isang litrato lang ang nagsisilbing alaala ni Kim sa kanyang ama.

Ayon kay Kim, “Konti lang kasi ang information na nakuha ng mommy ko tungkol sa biological father ko.

“Hindi niya alam kung saan sa France ito nakatira.

“Kung sana nalaman niya, it would have been easier to trace my dad kung buhay pa ba siya or hindi.

Continue reading below ↓

“Pero bigla na lang kasi siyang nawala sa buhay ni Mommy. Kaya litrato na lang ang naiwan.

“Doon naman kasi sa photo na meron si Mommy, may edad na rin yung father ko.

“I think he was already in his 60s noong magkakilala at magbuntis si Mommy sa akin.

“E, 22 years old na ako. So he’s mga 80-plus na ngayon.

“Ang sa akin lang naman, gusto ko lang malaman kung buhay pa ba siya.

“Baka kasi nasa isang nursing home lang siya or baka naman may sarili din siyang pamilya at baka hindi niya alam na may anak siya sa Pilipinas.

“Hindi pa naman ako naggi-give up at sana, one day, if he’s till alive, makilala ko siya.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kim sa press launch ng D’Originals sa GMA Network Center noong April 5.

A DAUGHTER'S YEARNING. Para kay Kim, hindi kumpleto ang pagkatao niya kung hindi niya makikilala ang kanyang ama.

Continue reading below ↓

“Kahit na sino namang bata, kung hindi nakilala ang isang magulang, nandoon yung feeling na may kulang sa iyo.

“May mga nagsasabi sa akin na tigilan ko na ang paghanap at baka hindi niya alam na may anak siya sa iba.

“Gusto ko lang masabi na, ‘Uy, ito pala ang daddy ko! May pinagmanahan pala ako,’” saad niya.

Kahit na lumaking walang ama si Kim at nag-iisa lang siyang anak, napalaki naman daw siya nang maayos ng kanyang ina at lola.

“Si Mommy, nagkaroon din siya ng ibang boyfriends, pero hindi na siya nagbuntis ulit kaya nag-iisa lang ako.

“Maganda sigurong malaman na may mga kapatid ako sa biological father ko, di ba?

“Pero ang maganda ay inalagaan ako nang husto ng mommy ko at ng lola ko.

“Kaya bilang ganti sa magandang pagpapalaki sa akin, ibinibigay ko sa kanila ang mga gusto nila.

“Dahil sa mga blessings na dumating sa amin, unti-unti kong natutupad ang mga pangarap namin noon,” pagmamalaki ni Kim.

Continue reading below ↓

BLESSINGS. Dahil sa sipag na rin ni Kim, kahit mag-iisang taon pa lang siya bilang isang Kapuso talent, nabigyan na siya ng maraming projects kaya siya nakapag-ipon.

Pahayag niya, “Nabili ko na sina Mommy at Lola ng bahay nila sa Novaliches.

“Tapos, may ipinapagawa rin akong sariling bahay sa Antipolo at gusto rin pasukin ang pagnenegosyo.

“Paisa-isa muna.

“At least, yung mga naipon ko from the shows na ginawa ko like Bubble Gang, Juan Happy Love Story, tsaka sa endorsement ko, naipon ko at ine-enjoy na namin iyon ng pamilya ko.

“Right now, happy ako dahil meron akong D’Originals at bida na ako with Ms. Jaclyn Jose and LJ Reyes.

“May makukunan pa kami ng blessings ng family ko.”

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Domingo remains unfazed in her quest to find her biological dad: "Doon naman kasi sa photo na meron si Mommy, may edad na rin yung father ko. I think he was already in his 60s noong magkakilala at magbuntis si mommy sa akin. E, 22 years old na ako. So he's mga 80-plus na ngayon. Ang sa akin lang naman, gusto ko lang malaman kung buhay pa ba siya. Hindi pa naman ako naggi-give up, at sana one day, if he's till alive, makilala ko siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results