Isang espesyal na premiere night para sa onscreen couple na John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang ginanap noong Setyembre 11 sa SM Megamall Cinema 10. Ang pelikulang The Mistress ay nagmamarka ng 10th anniversary nina John Lloyd at Bea bilang isang loveteam.
Sa gitna ng mga hiyawan ng kanilang mga tagahanga,
lumakad sa red carpet ang aktor at aktres kasama ang cast ng naturang pelikula.
Kabilang dito sina Ronaldo Valdez, Carmi Martin, K Brosas, Minnie Aguilar, Tony
Mabesa, Carla Humphries, at ang director ng The
Mistress na si Olivia Lamasan.
(CLICK HERE to read PEP's review of The Mistress)














