Magkakaroon ng grand idol-fans day celebration ngayong linggo sa ASAP XV. Kapamilya fans unite sa pinakamalaking pagtitipon ng inyong mga paboritong IDOLS. Abangan ang kanilang pagpapasiklab with their special performances. Makikilala rin kung sinu-sino ang mga iniidolo ng inyong mga ASAP Kapamilya.
Muling magbabalik ang world class Pinoy rock idol na si Arnel Pineda sa ASAP centerstage.
Sa August 29 episode, mapapanood rin ang ilan sa cast members ng pelikulang Sa 'Yo Lamang na sina Lorna Tolentino, Diether Ocampo, Zanjoe Marudo, Coco Martin, Enchong Dee, Shaina Magdayao, at Bea Alonzo.
Ang pinakabagong teleseryeng 1dol bibida na kasama ang nag-iisang Popstar Princess Sarah Geronimo at Coco Martin.
Mapapanood rin ang song numbers mula sa mga singing idols na Sessionistas, TheChampions, at Piolo Pascual.
On this episode, magpapaalam rin ang mga primetime idols na bumubuo sa show na Agua Bendita. Magpapasalamat ang mga bida na sina Andi Eigenmann, Matteo Guidicelli at Jason Abalos sa kanilang mga supporters.
Hataw dance showdown naman mula sa mga Supahdance Idols, Supahdance Idols, Dupahdance Crew, It Girls, Kim Chiu at Billy Crawford. Abangan ang ultimate back to back special performance mula sa dalawang ASAP Idols, Rated PG Meets SOS with GARY Valenciano at ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.