Hindi na napigilan ng ABS-CBN actress na si Arci Muñoz na sagutin ang isa sa kanyang mga bashers sa Instagram sa kalagitnaan ng isyung nagparetoke umano ito.
Isang Instagram user na may handle name na @mireyatrinidad111 ang nag-iwan ng komentong "Your lips look horrible" sa selfie ni Arci na in-upload nito noong nakaraang June 28.
Agad naman itong sinagot ni Arci at sinabing, "And so is your face. [smile emoji] and yer attitude. [smile emoji] @mireytrinidad111."
Kuha ang selfie ni Arci habang nagbabakasyon ito sa Europe kasama ang kapatid na si Lou Muñoz.
Mapapansin sa litrato na in-overline nito ang kanyang lipstick para mas magmukhang pouty ang kanyang labi.

Nitong nakaraang linggo, naging mainit na usapan sa social media kung nagparetoke nga ba si Arci matapos mapansin ng mga netizens ang di umano'y pagbabago sa mukha nito.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci, sinabi nitong wala namang masama kung sakaling sumailalim nga siya sa cosmetic surgery.
Pahayag ni Arci, "Ano ba, napaka-open naman natin.
"So, ano ba? It's open naman, di ba? Ako, personally, I am not against it."
"It's my body. And whatever's gonna make me feel comfortable and more confident sa aking sarili, I'll do it."
