Pia Wurtzbach and Marlon Stockinger celebrate anniversary of their first meeting

by Bernie V. Franco
Sep 5, 2017
Pia  Wurtzbach and boyfriend Marlon Stockinger recall the first anniversary of their first-ever meetup in New York, USA. 

Ginunita ng celebrity couple na sina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger ang unang anibersaryo ng kanilang pagkikita sa Amerika.

Sa kani-kanilang Instagram accounts ngayong Martes, September 5, ay nag-post ang dalawa ng litrato nilang magkasama.

Sa post ni Pia ay makikita sila ni Marlon habang nakatalikod at magkahawak-kamay.

Naka-embed sa larawan ang mga katagang "Met each other in New York exactly a year ago."


Continue reading below ↓

Ang larawan namang ipinost ni Marlon ay isang candid shot nila ng beauty queen.

Caption niya dito: "1 year ago since we first met."


Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang pagkikitang iyon ang naging daan para sa kanilang unang date hanggang sa mauwi ito sa seryosong relasyon.

Tila indikasyon din ang posts nilang ito na nananatiling matatag ang kanilang relasyon, matapos maiulat na binura ng dalawa ang kanilang couple photos sa social media noong nakaraang linggo.

Continue reading below ↓

Naintriga tuloy ang kanilang fans at inisip na baka nagkakalabuan na ang dalawa.

STORIES WE ARE TRACKING

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na dumaan sa pagsubok relasyon ng dalawa.

Noong katapusan ng Marso 2017 ay pumutok ang balita tungkol sa pagkakaroon ng kambal na anak ni Marlon sa dating girlfriend nitong si Kit Barraquias, isang modelo.

Gayunpaman, nanatiling matibay ang relasyon nina Marlon at Pia.

Samantala, ang pagbura ng dalawa ng kanilang couple photos ay posibleng pagnanais nilang gawing mas pribado ang kanilang relasyon, gaya ng sinabi ni Marlon sa isang interview.

STORIES WE ARE TRACKING

Read Next
Latest Stories

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know.

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pia  Wurtzbach and boyfriend Marlon Stockinger recall the first anniversary of their first-ever meetup in New York, USA. 
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results