Hindi pinalampas ni Kris Aquino ang pangba-bash ng isang netizen sa kanyang bunsong anak.
Sa comments section sa Instagram post ng TV host-actress, tinawag ng basher (@natalieeeee01) na “gay” ang 10-taong-gulang na anak ni Kris sa dating asawang si James Yap.
Buwelta naman ni Kris: “I have no issue w/ sexual preference BUT i do have an issue w/ you deciding for my son. If you have prejudices please express it elsewhere.”

Nagkomento rin sa thread na ito ang Kapamilya comedienne na si Pokwang, na ngayon ay naka-break sa showbiz dahil nagdadalantao.
Banat ni Pokwang sa basher ni Kris: “bastos! mas gugustuhin ko maging bakla anak ko kesa katulad mo bastos!”

Pinasalamatan naman ni Kris si Pokwang, at sinabing bilang mga ina, naaapektuhan talaga sila kapag idinadamay ang kanilang mga anak.

