Hindi pinalampas ni Angel Locsin ang masasakit na salitang natatanggap niya mula sa ilang fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na hindi sang-ayon sa lead role ng aktres sa ABS-CBN primetime series na La Luna Sangre.
Ang La Luna Sangre ay pinagbibidahan ng KathNiel o KN, itinuturing na isa sa pangunahing love teams sa Kapamilya network.
Bilang isa sa premyadong aktres ng ABS-CBN, malaki rin ang papel ni Angel sa teleserye.
Gayunpaman, may ilang netizens ang nagpapakalat ng below-the-belt comments dahil sa pagkakabilang ni Angel sa teleseryeng pinagbibidahan ng kanilang mga idolo.
Partikular na rito ang Instagram user na may handle name na @djkath1117, na minura at sinabihan pa ang aktres ng "Mamatay ka na."



Sa comments thread sa kanyang Instagram, naglabas si Angel ng saloobin hinggil sa pambabatikos ng KathNiel fans.
Karapatan daw ng aktres na depensahan ang sarili laban sa paninira sa kanya sa social media.
Sabi ni Angel: “Nababasa ko kasi yung mga bashing ng ibang kn fans at wala na talaga sa lugar.
“Hindi lang sa account ko, pati sa ibang accounts.
“Sa lagay na yun, right ko naman na ipagtanggol ang sarili ko di ba?
“Hindi ko na ilalahat kasi marami namang mabait na kn fans.
“Natouched nga ako nung bumisita pa ang iba sa set para mag apologize. Ang sweet nun. Ayun.”
Patuloy ng 32-year-old Kapamilya actress, buo ang suporta niya sa KathNiel at labas ang pakikipagtrabaho niya sa young stars sa pagsagot sa bashers.
“Hindi lang talaga ako magpapa-bully lalo na't malinis ang intention ko at wala akong ginagawang masama.
“Sa dami na rin po ng napagdaanan ko at sa tagal ko na sa showbiz, maniwala kayong naiintindihan ko kayo.
“Pero konting antay na lang po sa kwento. Marami pang magandang mangyayari kung matuloy ito.”
Ang kapalitan ni Angel ng comments dito ay ang sariling mga tagasuporta at hindi mismong KathNiel fans.
ANGEL VS. KATHNIEL FANS' TWEETS. Sa hiwalay na pahayag ni Angel sa kanyang Twitter account, ipinagtaka niya kung bakit tila hindi marunong rumespeto ang ilang kabataang netizens.
Keri lang :) minsan kelangan nang guidance ang mga bagets eh :) nung panahon namin, iba ang respeto namin sa mas senior samin.
— Angel Locsin (@143redangel) September 25, 2017
Gayunman, may ilang KathNiel fans ang naghayag ng kanilang “dismaya” sa ipinakita umanong “ugali” ni Angel.
Isa-isang sinagot ng aktres ang netizens na binigyan ng ibang kulay ang pagdepensa niya sa nararanasang pambu-bully ng ilang netizens.
Sabi ni Angel, "maayos" ang sagot niya maging sa mga "bastos na comments."
Ginawan mo nang ibang meaning tweet ko, ikaw pa nadismaya? Nakakahiya naman pala po sa inyo.
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
Pag nagreply, patol na agad? Nagtweet sakin, so binigyan ko ng time. Sa pagkakaalala ko maayos naman mga sagot ko sa mga bastos na comments????
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
What attitude? Yung sinabi ko na advocacy ng idol nya ang anti cyberbullying pero nambubully sya? Sorry ah pero walang mali sa sinabi ko
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
WRONG INTERPRETATION. Ipinagtaka rin ni Angel ang alegasyon ng ilang fans na idinadawit niya sa isyu ang KathNiel.
Giit ng aktres, "Bagets bashers kasi ang usapan. Pinalabas lang ng mga walang konsensyang tao na about sa dalawa yung convo."
Sarado lang????? k goodluck :)
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
Ay mali po ???? bagets bashers kasi ang usapan ???? pinalabas lang ng mga walang konsensyang tao na about sa dalawa yung convo ????
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
May sinabi ba akong pagsabihan nya? Baka lang gustong umayos ng mga kagaya mo para sa kahihiyan ng idol nyo.Wag away ng away.intindihin muna
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
Sinubukan ni Angel na linawing hindi sina Kathryn at Daniel ang tinutukoy niya sa kanyang tweets, kundi fans na hayagan kung makapagsalita ng hindi maganda sa kanya.
Ngunit "parang walang point" dahil sarado raw ang isip ng iba.
Narito ang iba pang tweets ni Angel sa KathNiel fans:
Ano dun? Check mo yung convo muna. Angels ko kausap ko kasi???? Ang usapan namin is about bagets bashers. Ikaw ang nag drag sa dalawa????
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
Di ba fan ka? Bat hindi mo tulungan ipromote yung advocacy nang idols mo? Napapasama pangalan nila eh
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
Huh? Tutal may effort ka namang makipagaway, make effort narin na alamin kung totoo ba yung mga sinasabi mo ha para di makalaki ng gulo. Tnx
— Angel Locsin (@143redangel) September 26, 2017
