Magpapahinga muna si John Lloyd Cruz sa showbiz.
Ito ay matapos magkasundo ang dramatic actor at ang kanyang home network na ABS-CBN na mag-"indefinite leave" muna si John Lloyd upang asikasuhin ang ilang “personal matters.”
Ayon pa sa official statement mula sa ABS-CBN Corporate Communications: “John Lloyd will be taking a break outside the country and will return to ABS-CBN after his leave of absence.”
Lumabas ang official statement ng ABS-CBN sa ulat ng TV Patrol, ngayong Biyernes ng gabi, October 6.
Nitong mga nakaraang linggo ay naging kontrobersiyal si John Lloyd, 34, matapos mag-viral ang kanyang videos at mga larawang kuha mula sa bakasyon nila ni Ellen Adarna, 29, sa Bantayan Island, sa Cebu.
Pinag-usapan din ang pagpu-post ng aktor ng mga kakaibang larawan sa social media at ang tanong sa tunay na estado ng relasyon nila ni Ellen.
Huling napanood si John Lloyd sa pelikulang Finally Found Someone, kasama si Sarah Geronimo, na ipinalabas noong July 2017.
(This article was originally published on October 6, 2017.)