Orange ang naging color motif sa press launch ng pinakabagong primetime teleserye ng GMA-7, Paroa, Ang Kuwento ni Mariposa. Ang programang pagbibidahan ng Kapuso teen stars na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ay magsisimula ngayong Lunes, Nobyembre 5.
Ang telefantasya ay tungkol sa batang si Mariposa (Barbie) na mayroong kakaibang itsura. Hindi pangkaraniwang tao si Mariposa dahil siya ay nabibilang sa kaharian ng mga paroa, o mga taong paruparo. Bagamat makakakaranas ng pang-aalipusta sa iba tao, lalaki si Mariposa sa pag-aaruga ng kanyang ina na si Amalia (Agot Isidro). Sa kalaunan, mabubunyag ang tunay na pagkatao si Mariposa kasabay ng pagbabagong anyo ng kanyang mala-higad na balat sa mala-paru-parong kagandahan.
Kumukumpleto sa cast ng Paroa sina Joyce Ching, Miguel Tanfelix, Bianca Umali, Rita de Guzman, Tanya Garcia, Gino dela Paz, Marc Acueza, Alicia Mayers, Maritoni Fernandez, at Agot Isidro.












