Ellen Adarna is pregnant, John Lloyd Cruz is the father

by The PEP Squad
Nov 18, 2017
Ellen Adarna and boyfriend John Lloyd Cruz are now expecting their first child together.

Buntis ang sexy star na si Ellen Adarna, at ang matinee idol na si John Lloyd Cruz ang ama ng kanyang dinadala.

Si Ellen mismo ang nagkumpirma nito sa ilang malalapit na kaibigan.

Sa dalawang okasyon ay naringgan ang 29-anyos na Kapamilya talent na nagsabing buntis siya.

Ayon pa rin daw kay Ellen, maselan ang kanyang pagbubuntis.

Ayon naman sa impormasyong natanggap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ito raw ang dahilan kung bakit hindi na pinahaba pa nina John Lloyd at Ellen ang bakasyon nila sa Europa.

Ito rin daw ang dahilan kung bakit, bagamat inaabangan si Ellen ng publiko, hindi ito nakasama sa mga artistang rumampa sa Under The Stars, ang Bench denim and underwear fashion show na ginanap sa MoA Arena ngayong Sabado ng gabi, Nobyembre 18.

Determinado naman daw sina Ellen at John Lloyd na alagaan ang pagbubuntis ng sexy star.

Continue reading below ↓

WHEN DID JOHN LLOYD BECOME ELLEN ADARNA'S BF?

Ngayong 2017 nagsimulang pumutok ang balitang nagdi-date ang dalawa. Ngayon rin lang naging tahimik si Ellen Adarna tungkol kanyang bagong bf. Sa mga naging past relationships nito, naging very vocal ito. Pero sa pagkakataong ito, ang tila'y nagbigay ng kumpirmasyon sa estado ng relasyon nila ay ang mga larawang kumalat sa social media. Kuha ang mga ito sa iba't ibang lugar.

Lalong umigting ang paniniwalang may namamagitan sa dalawa nang lumabas ang mga larawan at video na kuha sa kanilang bakasyon sa Bantayan Island, sa Cebu, noong Setyembre.

STORIES WE ARE TRACKING

Nito lamang Oktubre ay nagtungo naman sina John Lloyd at Ellen sa Europe para sa ilang linggong pagbabakasyon.

Ito ay pagkatapos magdesisyon ang premyadong aktor na mag-leave of absence muna mula sa kanyang showbiz career, pagkatapos ng sunud-sunod na kontrobersiyang kinasangkutan niya.

STORIES WE ARE TRACKING

Wala pang pormal na anunsiyo ang mga talent management companies nila Ellen at John Lloyd tungkol sa pagbubuntis ni Ellen.

Continue reading below ↓

Bukas ang PEP.ph sa anumang sasabihin ng mga kinauukulan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ellen Adarna and boyfriend John Lloyd Cruz are now expecting their first child together.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results